Awit ni Solomon 2
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw
sa libis nitong bundok, isang ligaw na halaman.
Mangingibig:
2 Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan,
namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang.
Babae:
3 Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas,
sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad;
ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili,
ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap.
4 Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag,
sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat.
5 Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas,
at magiliw na binusog ng matamis na mansanas;
dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas.
6 Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan,
habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
7 Ipangako n'yo sa akin, mga dalaga sa Jerusalem,
sa ngalan ng mga usa't mga hayop na matutulin,
ang aming paglalambingan ay di n'yo gagambalain.
Ang Ikalawang Awit
Babae:
8 Ang tinig ng aking mahal ay akin nang naririnig,
mga gulod, tinatahak upang ako'y makaniig.
9 Itong aking mangingibig ay tulad ng isang usa,
mabilis kung kumilos, ang katawan ay masigla.
Sa tabi ng aming pader, naroroon lagi siya,
sumisilip sa bintana upang ako ay makita.
10 Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi:
Mangingibig:
Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal.
11 Lumipas na ang taglamig sa buong lupain
at ang tag-ulan ay natapos na rin.
12 Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad,
ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya,
sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit.
13 Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga,
at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na.
Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.
14 Ika'y parang kalapati, nagkukubli sa batuhan,
halika at ang ganda mo ay nais kong mapagmasdan,
at nang akin ding marinig ang tinig mong ginintuan.
15 Asong-gubat ay hulihin, maninira ng ubasan,
baka pumasok sa ating namumulaklak na ubasan.
Babae:
16 Mangingibig ko ay akin at ako nama'y kanya,
sa gitna ng mga liryo, kumakain ang kawan niya.
17 Hanggang dilim ay maparam, ganito ang ginagawa,
sa pag-ihip ng amihang umaga ang siyang badya.
Magbalik ka, aking sinta magmadali ka, aking mahal
tulad ng pagtakbo ng usa sa kaburulan.[a]
Footnotes
- 17 kaburulan: o kaya'y Bundok ng Bether .
Awit ng mga Awit 2
Ang Biblia (1978)
Pangungusap ng magkasuyong babae at lalake.
2 Ako'y (A)rosa ng Saron, Lila ng mga libis.
2 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik,
Gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat,
Gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake.
Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran.
(B)At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan,
At ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas:
Sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay (C)ay nasa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7 Pinagbibilinan ko kayo, (D)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang,
Na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta,
Hanggang sa ibigin niya.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating,
Na lumulukso sa mga bundok,
Lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta (E)ay gaya ng usa o ng batang usa: Narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod,
Siya'y sumusungaw sa mga dungawan,
Siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
(F)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan;
Ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
Ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating,
At ang tinig ng (G)batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos,
At ang mga puno ng ubas (H)ay namumulaklak,
Kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango.
(I)Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato,
Sa puwang ng matarik na dako,
Ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
(J)Iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin (K)ang mga sora, ang mga munting sora
Na naninira ng mga ubasan;
Sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, (L)at ako ay kaniya:
(M)Pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, (N)at ang mga lilim ay mawala,
Pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay (O)maging gaya ng usa o ng batang usa
Sa mga bundok ng Bether.
Awit ng mga Awit 2
Ang Dating Biblia (1905)
2 Ako'y rosa ng Saron, lila ng mga libis.
2 Kung paano ang lila sa gitna ng mga tinik, gayon ang aking pagsinta sa mga dalaga.
3 Kung paano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga anak na lalake. Ako'y nauupo sa ilalim ng kaniyang lilim na may malaking kaluguran. At ang kaniyang bunga ay naging matamis sa aking lasa.
4 Dinala niya sa bahay na may pigingan, at ang kaniyang watawat sa akin ay pagsinta.
5 Kandilihin ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas: sapagka't ako'y may sakit na pagsinta.
6 Ang kaniyang kaliwang kamay ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kaniyang kanang kamay ay yumayakap sa akin.
7 Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang aking pagsinta, hanggang sa ibigin niya.
8 Ang tinig ng aking sinta! narito, siya'y dumarating, na lumulukso sa mga bundok, lumulundag sa mga burol.
9 Ang aking sinta ay gaya ng usa o ng batang usa: narito, siya'y tumatayo sa likod ng ating bakod, siya'y sumusungaw sa mga dungawan, siya'y napakikita sa mga silahia.
10 Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
11 Sapagka't narito, ang tagginaw ay nakaraan; ang ulan ay lumagpas at wala na;
12 Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pagaawitan ng mga ibon ay dumarating, at ang tinig ng batobato ay naririnig sa ating lupain;
13 Nahihinog ang sariwang mga bunga ng puno ng higos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, kanilang pinahahalimuyak ang kanilang bango. Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na.
14 Oh kalapati ko, na nasa mga bitak ng malalaking bato, sa puwang ng matarik na dako, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; Sapagka't matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kahalihalina.
15 Hulihin ninyo para sa atin ang mga sora, ang mga munting sora na naninira ng mga ubasan; sapagka't ang ating mga ubasan ay namumulaklak.
16 Ang sinta ko ay akin, at ako ay kaniya: pinapastulan niya ang kaniyang kawan sa gitna ng mga lila.
17 Hanggang sa ang araw ay lumamig, at ang mga lilim ay mawala, pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
