Awit ng mga Awit 5:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Ang kanyang mga mata ay tulad ng mga kalapati
sa tabi ng mga bukal ng tubig;
na hinugasan ng gatas
at tamang-tama ang pagkalagay.
13 Ang kanyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga pabango,
na nagsasabog ng halimuyak.
Ang kanyang mga labi ay mga liryo,
na nagbibigay ng lusaw na mira.
14 Ang kanyang mga kamay ay mga singsing na ginto,
na nilagyan ng mga hiyas.
Ang kanyang katawan ay gaya ng yaring garing
na binalot ng mga zafiro.
Awit ng mga Awit 5:12-14
Ang Biblia (1978)
12 Ang kaniyang mga mata ay (A)gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig;
Na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay.
13 Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng (B)pitak ng mga especia,
Gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay:
Ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga (C)lila na tumutulo ng malabnaw na mira.
14 Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na (D)berilo:
Ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga (E)zafiro.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
