Awit 88
Ang Dating Biblia (1905)
88 Oh Panginoon, na Dios ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo:
2 Masok ang aking dalangin sa iyong harapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa aking daing:
3 Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol,
4 Ako'y nabilang sa kanila na nagsisibaba sa hukay; ako'y parang taong walang lakas:
5 Nakahagis sa gitna ng mga patay, gaya ng napatay na nakahiga sa libingan, na hindi mo na inaalaala; at sila'y mangahiwalay sa iyong kamay.
6 Iyong inilapag ako sa pinakamalalim na hukay, sa mga madilim na dako, sa mga kalaliman.
7 Lubhang idinidiin ako ng iyong poot, at iyong pinighati ako ng lahat mong mga alon. (Selah)
8 Iyong inilayo sa akin ang kakilala ko; iyong ginawa akong kasuklamsuklam sa kanila: ako'y nakulong at hindi ako makalabas,
9 Ang mata ko'y nangangalumata dahil sa kadalamhatian: ako'y tumawag araw-araw sa iyo, Oh Panginoon, aking iginawad ang mga kamay ko sa iyo.
10 Magpapakita ka ba ng mga kababalaghan sa mga patay? Sila bang mga patay ay magsisibangon, at magsisipuri sa iyo? (Selah)
11 Ang iyo bang kagandahang-loob ay ipahahayag sa libingan? O ang iyong pagtatapat sa kagibaan?
12 Malalaman ba ang mga kababalaghan mo sa dilim? At ang katuwiran mo sa lupain ng pagkalimot?
13 Nguni't sa iyo, Oh Panginoon, dumaing ako, at sa kinaumagahan ay darating ang dalangin ko sa harap mo.
14 Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang kaluluwa ko? Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15 Ako'y nadadalamhati, at handang mamatay mula sa aking kabataan: habang aking tinitiis ang iyong mga kakilakilabot na bagay ay nakakalingat ako.
16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin; inihiwalay ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17 Kanilang kinulong ako na parang tubig buong araw; kinubkob ako nilang magkakasama.
18 Mangliligaw at kaibigan ay inilayo mo sa akin, at ang aking kakilala ay sa dilim.
Psalm 88
King James Version
88 O lord God of my salvation, I have cried day and night before thee:
2 Let my prayer come before thee: incline thine ear unto my cry;
3 For my soul is full of troubles: and my life draweth nigh unto the grave.
4 I am counted with them that go down into the pit: I am as a man that hath no strength:
5 Free among the dead, like the slain that lie in the grave, whom thou rememberest no more: and they are cut off from thy hand.
6 Thou hast laid me in the lowest pit, in darkness, in the deeps.
7 Thy wrath lieth hard upon me, and thou hast afflicted me with all thy waves. Selah.
8 Thou hast put away mine acquaintance far from me; thou hast made me an abomination unto them: I am shut up, and I cannot come forth.
9 Mine eye mourneth by reason of affliction: Lord, I have called daily upon thee, I have stretched out my hands unto thee.
10 Wilt thou shew wonders to the dead? shall the dead arise and praise thee? Selah.
11 Shall thy lovingkindness be declared in the grave? or thy faithfulness in destruction?
12 Shall thy wonders be known in the dark? and thy righteousness in the land of forgetfulness?
13 But unto thee have I cried, O Lord; and in the morning shall my prayer prevent thee.
14 Lord, why castest thou off my soul? why hidest thou thy face from me?
15 I am afflicted and ready to die from my youth up: while I suffer thy terrors I am distracted.
16 Thy fierce wrath goeth over me; thy terrors have cut me off.
17 They came round about me daily like water; they compassed me about together.
18 Lover and friend hast thou put far from me, and mine acquaintance into darkness.