Add parallel Print Page Options

79 Oh Dios, ang mga bansa ay dumating sa iyong mana; ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan; kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.

Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid, ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.

Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem; at walang naglibing sa kanila.

Read full chapter
'Awit 79:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.

79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.

Read full chapter

Panalangin para sa Kalayaan ng Bansa

79 O Dios, sinalakay ng mga dayuhan ang lupaing pag-aari ninyo.
    Nilapastangan nila ang inyong banal na templo at winasak ang Jerusalem.
Ipinakain nila sa mababangis na ibon at hayop ang bangkay ng inyong tapat na mga lingkod.
Ibinuhos nila ang dugo ng inyong mga mamamayan na parang tubig sa buong Jerusalem,
    at wala ni isa mang natira sa kanila upang ilibing ang mga namatay.

Read full chapter