Awit 63
Ang Dating Biblia (1905)
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Mga Awit 63
Ang Biblia, 2001
Awit(A) ni David, nang siya ay nasa Ilang ng Juda.
63 O Diyos, ikaw ay aking Diyos; hahanapin kitang maaga,
nauuhaw sa iyo ang aking kaluluwa,
ang aking laman sa iyo'y nananabik,
gaya ng isang tuyo at lupang uhaw na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuwaryo,
na minamasdan ang kapangyarihan at kaluwalhatian mo.
3 Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay higit na mabuti kaysa buhay,
pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay;
itataas ko ang aking mga kamay at tatawag sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y masisiyahang gaya ng sa taba at katabaan,
at ang bibig ko'y magpupuri sa iyo ng mga labing masaya,
6 kapag naaalala kita sa aking higaan,
ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi;
7 sapagkat naging katulong kita,
at sa lilim ng mga pakpak mo'y umaawit ako sa tuwa.
8 Ang kaluluwa ko sa iyo'y nakatangan;
inaalalayan ako ng iyong kanang kamay.
9 Ngunit ang mga nagsisikap na wasakin ang buhay ko,
ay magsisibaba sa mga kalaliman ng mundo.
10 Sila'y ibibigay sa kapangyarihan ng tabak,
sila'y magiging biktima para sa mga asong-gubat.
11 Ngunit magagalak sa Diyos ang hari;
lahat ng sumusumpa sa pamamagitan niya ay magpupuri,
sapagkat ang bibig ng mga sinungaling ay patitigilin.
Mga Awit 63
Ang Biblia (1978)
(A)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.
63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (B)maaga:
Kinauuhawan ka (C)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (D)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 (E)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Sa gayo'y pupurihin (F)kita habang ako'y nabubuhay:
(G)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Pagka (H)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Sapagka't naging katulong kita,
At (I)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (J)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (K)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (L)luluwalhati;
Sapagka't (M)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Псалми 63
Библия, нов превод от оригиналните езици (с неканоничните книги)
Копнеж за духовно общение с Бога
63 Псалом на Давид, когато беше в юдейската пустиня.
2 (A)[a] Боже, Ти си мой Бог! Търся Те от ранни зори.
Душата ми жадува за Тебе, плътта ми чезне за Тебе
като земя пуста, суха и безводна.
3 Затова аз Те съзерцавах в светилището,
за да видя Твоята сила и слава,
4 защото Твоята милост е по-добра от живота.
Затова моите устни ще Те прославят.
5 Така ще Ти благодаря, докато съм жив.
В Твое име ще вдигам ръцете си с упование.
6 Както добра храна ме насища, така
и моята уста с радостни устни ще Те прославя.
7 Мисля за Тебе през нощните часове,
когато си спомням за Тебе в леглото си.
8 Защото Ти си моят помощник
и под сянката на Твоите криле ще се радвам.
9 Моята душа се привърза към Тебе;
Твоята десница ме поддържа.
10 А които искат да погубят живота ми,
ще слязат в дълбините на земята.
11 Ще бъдат съсипани със силата на меча,
ще станат плячка на чакали.
12 (B)А царят ще се зарадва заради Божието дело;
ще бъде възхвален всеки, който се кълне в Него,
защото ще се затворят устата на лъжците.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright by © Българско библейско дружество 2013. Използвани с разрешение.
