Mga Awit 37:10-12
Ang Biblia (1978)
10 (A)Sapagka't sangdali na lamang, at ang masama ay mawawala na:
(B)Oo, iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya'y mawawala na.
11 (C)Nguni't ang maamo ay magmamana ng lupain,
At masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.
12 Ang masama ay kumakatha laban sa ganap,
At pinagngangalit sa kaniya ang kaniyang mga ngipin.
Salmo 37:10-12
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 Hindi magtatagal at mawawala ang masasama.
At kahit hanapin mo man sila ay hindi mo na makikita.
11 Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana.
12 Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid,
at galit na galit sila.
Mga Awit 37:10-12
Ang Biblia, 2001
10 Gayunma'y sandali na lamang, at ang masama ay mawawala na;
kahit tingnan mong mabuti ang kanyang lugar, siya ay wala roon.
11 Ngunit(A) mamanahin ng maaamo ang lupain,
at masisiyahan ang kanilang sarili sa lubos na kasaganaan.
12 Ang masama ay nagpapakana laban sa matuwid,
at ang mga ngipin nito sa kanya'y pinagngangalit;
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

