Pahayag 8:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pitong Trumpeta
6 (A) Ang pitong anghel na may pitong trumpeta ay humanda upang hipan ang mga ito.
7 Hinipan (B) ng unang anghel ang kanyang trumpeta, at nagkaroon ng yelo at apoy, na may halong dugo. Itinapon ang mga ito sa lupa. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa at ng mga puno. Ang lahat ng luntiang damo ay nasunog din.
8 Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, at itinapon sa dagat ang isang tulad ng malaking bundok na nagliliyab sa apoy.
Read full chapter
Apocalipsis 8:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip.
7 At humihip ang una, (A)at nagkaroon ng granizo at apoy, na may halong dugo, at (B)itinapon sa lupa: at (C)ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog, at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog, at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog.
8 At humihip ang ikalawang anghel, (D)at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat: (E)at ang ikatlong bahagi ng dagat (F)ay naging dugo;
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
