Pahayag 6:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
15 At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawa't alipin at ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok;
16 At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero:
Read full chapter
Pahayag 6:14-16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
14 Nahawi (A) ang langit na parang isang balumbon na ibinabalumbong mag-isa, at naalis sa kinalalagyan ang bawat bundok at pulo. 15 (B) Ang mga hari ng daigdig, tagapamahala, mga pinuno, mga mayaman, mga makapangyarihan, ang bawat alipin, at bawat malaya ay nagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok. 16 (C) Sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, “Mahulog kayo sa amin at ikubli ninyo kami mula sa mukha niya na nakaupo sa trono at mula sa galit ng Kordero;
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
