Apocalipsis 6:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, (A)at nagkaroon ng malakas na lindol; at (B)ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo;
13 At ang mga bituin sa langit ay (C)nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.
14 At ang langit ay nahawi na gaya (D)ng isang lulong aklat kung nalululon; at ang bawa't (E)bundok at (F)pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan.
Read full chapter
Pahayag 6:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
12 (A) Nang buksan ng Kordero ang ikaanim na tatak, tumingin ako, at nagkaroon ng malakas na lindol, naging itim ang araw na tulad ng damit-panluksa, at naging parang dugo ang buwang kabilugan; 13 (B) at ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa tulad ng puno ng igos na naglalaglag ng bubot na bunga kapag niyuyugyog ng malakas na hangin. 14 Nahawi (C) ang langit na parang isang balumbon na ibinabalumbong mag-isa, at naalis sa kinalalagyan ang bawat bundok at pulo.
Read full chapter
Apocalipsis 6:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Nang(A) buksan niya ang ikaanim na tatak, nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng damit-sako at ang bilog na buwan ay naging gaya ng dugo;
13 at(B) ang mga bituin sa langit ay nahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na nalalaglag ang kanyang mga bungang bubot kapag inuuga ng malakas na hangin.
14 Ang(C) langit ay nahawi na gaya ng isang balumbong nilululon, at ang bawat bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinalalagyan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
