Apocalipsis 6:1-3
Ang Biblia (1978)
6 At nakita ko (A)nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika.
2 At tumingin ako, at narito, ang (B)isang kabayong maputi, at (C)yaong nakasakay dito ay may isang busog; (D)at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.
3 At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika.
Read full chapter
Pahayag 6:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 At nakita kong binuksan ng Kordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko ang isa sa apat na buháy na nilalang na nagsasalita na parang dagundong ng kulog, “Halika!” 2 Tumingin ako, at (A) naroon ang isang puting kabayo. Ang nakasakay doon ay may hawak na pana; binigyan siya ng korona, at lumabas siyang nagwawagi sa laban at magwawagi pa.
3 Nang buksan ng Kordero ang ikalawang tatak, narinig ko ang ikalawang nilalang na nagsasabi, “Halika!”
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
