Apocalipsis 3:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig; at ito'y tuparin mo, at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka magpupuyat (A)ay paririyan akong (B)gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.
4 Nguni't mayroon kang (C)ilang pangalan sa Sardis na hindi (D)nangagdumi ng kanilang mga damit: at sila'y kasama kong magsisilakad (E)na may mga damit na maputi; sapagka't sila'y karapatdapat.
5 (F)Ang magtagumpay (G)ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko (H)papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan (I)sa aklat ng buhay, at (J)ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at (K)sa harapan ng kaniyang mga anghel.
Read full chapter
Apocalipsis 3:3-5
Ang Biblia, 2001
3 Kaya't(A) alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo.
4 Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis[a] na hindi dinungisan ang kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat-dapat.
5 Ang(B) magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel.
Read full chapterFootnotes
- Apocalipsis 3:4 Sa Griyego ay ilang pangalan sa Sardis .
Pahayag 3:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Kaya't (A) alalahanin mo ang iyong tinanggap at narinig; gawin mo ito, at magsisi ka. Kung hindi ka gigising, darating akong parang magnanakaw, at hindi mo alam kung anong oras ako darating. 4 Subalit mayroon pang ilan sa Sardis na ang mga damit ay walang bahid; lalakad silang nakaputi kasama ko, sapagkat sila'y karapat-dapat. 5 Ang (B) nagtatagumpay ay magdadamit ng puti, at kailanma'y hindi ko buburahin ang pangalan niya sa aklat ng buhay. Kikilalanin ko ang pangalan niya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
