Apocalipsis 2:22-24
Ang Biblia (1978)
22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.
23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (A)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (B)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.
24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (C)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.
Read full chapter
Pahayag 2:22-24
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
22 Tandaan mo, iraratay ko siya sa higaan ng karamdaman, maging ang mga nakiapid sa kanya ay itatapon ko rin sa matinding pagdurusa, maliban kung pagsisihan nila ang kanyang mga gawa. 23 Tiyak na papatayin (A) ko ang kanyang mga anak. At malalaman ng lahat ng mga iglesya na ako ang sumisiyasat ng mga kaisipan at mga puso. Bibigyan ko ang bawat isa sa inyo ng nararapat sa inyong mga gawa. 24 Ngunit sinasabi ko sa iba sa inyo riyan sa Tiatira na hindi naninindigan sa turong ito, at hindi natutuhan ang tinatawag ng ilan na ‘Malalalim na bagay ni Satanas’, hindi ako maglalagay ng iba pang pasanin sa inyo,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.