Add parallel Print Page Options

Ang mga Mangkok ng Poot ng Diyos

16 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa templo, na nagsasabi sa pitong anghel, “Humayo kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang pitong mangkok ng poot ng Diyos.”

Kaya't(A) humayo ang una at ibinuhos ang kanyang mangkok sa lupa; at nagkaroon ng nakakapandiri at masamang sugat ang mga taong may tanda ng halimaw, at ang mga sumamba sa larawan nito.

Ibinuhos naman ng ikalawa ang kanyang mangkok sa dagat at ito'y naging parang dugo ng isang taong patay; at bawat may buhay na nasa dagat ay namatay.

Ibinuhos(B) ng ikatlo ang kanyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at naging dugo ang mga ito.

At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi,

“Matuwid ka, ikaw na siyang ngayon at ang nakaraan, O Banal,
    sapagkat hinatulan mo ang mga bagay na ito,
sapagkat pinadanak nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta,
    at pinainom mo sila ng dugo.
Ito'y karapat-dapat sa kanila!”

At narinig ko ang dambana na nagsasabi,

“Opo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
    tunay at matuwid ang iyong mga hatol!”

At ibinuhos ng ikaapat ang kanyang mangkok sa araw at pinahintulutan itong pasuin ng apoy ang mga tao.

At napaso ang mga tao sa matinding init, ngunit kanilang nilait ang pangalan ng Diyos na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nagsisi upang siya'y luwalhatiin.

10 Ibinuhos(C) naman ng ikalima ang kanyang mangkok sa trono ng halimaw, at nagdilim ang kanyang kaharian. Kinagat ng mga tao ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

11 at nilait nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nagsisi sa kanilang mga gawa.

12 Ibinuhos(D) ng ikaanim ang kanyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates at natuyo ang tubig nito, upang ihanda ang daraanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

13 At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon at mula sa bibig ng halimaw at mula sa bibig ng bulaang propeta ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka.

14 Sila'y mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda; pumupunta sa mga hari ng buong daigdig, upang tipunin sila sa digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

15 (“Masdan(E) ninyo, ako'y dumarating na gaya ng magnanakaw. Mapalad ang nananatiling gising at nakadamit,[a] upang siya'y hindi lumakad na hubad at makita ang kanyang kahihiyan.”)

16 At(F) sila'y tinipon nila sa lugar na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

17 Ibinuhos ng ikapitong anghel ang kanyang mangkok sa himpapawid at lumabas sa templo ang isang malakas na tinig, mula sa trono na nagsasabi, “Naganap na!”

18 At(G) nagkaroon ng mga kidlat, mga tinig, mga kulog, at malakas na lindol, na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng tao sa lupa, isang napakalakas na lindol.

19 Ang(H) dakilang lunsod ay nahati sa tatlo, at ang mga lunsod ng mga bansa ay bumagsak. Naalala ng Diyos ang dakilang Babilonia at binigyan niya ito ng kopa ng alak ng kabagsikan ng kanyang poot.

20 At(I) tumakas ang bawat pulo at walang mga bundok na matagpuan.

21 At(J) bumagsak sa mga tao ang ulan ng malalaking yelo na ang bigat ay halos isandaang libra[b] buhat sa langit, at nilait ng mga tao ang Diyos dahil sa salot na ulan ng yelo, sapagkat ang salot na ito ay lubhang nakakatakot.

Footnotes

  1. Apocalipsis 16:15 Sa Griyego ay nag-iingat sa kanyang mga damit .
  2. Apocalipsis 16:21 Sa Griyego ay isang talento .

16 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa.

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon, at nangagsisamba sa kaniyang larawan.

At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; at nangaging dugo.

At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, Matuwid ka, na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

Sapagka't ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta, at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

At narinig ko ang dambana na nagsasabi, Oo, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.

At nangasunog ang mga tao sa matinding init: at sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; at hindi sila nangagsisi upang siya'y luwalhatiin.

10 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon; at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

11 At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

12 At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo ang tubig nito, upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

13 At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:

14 Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.

15 (Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)

16 At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon.

17 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:

18 At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

19 At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.

20 At tumakas ang bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.

21 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.

16 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario, na nagsasabi (A)sa pitong anghel, Humayo kayo, at ibuhos ninyo ang pitong mangkok (B)ng kagalitan ng Dios sa lupa.

At humayo ang una, at ibinuhos ang kaniyang mangkok (C)sa lupa; at (D)naging sugat na masama at mabigat sa mga taong (E)may tanda ng hayop na yaon, at (F)nangagsisamba sa kaniyang larawan.

At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok (G)sa dagat; at naging dugo na gaya ng isang patay; (H)at bawa't kaluluwang may buhay, sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay.

At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok (I)sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig; (J)at nangaging dugo.

At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi, (K)Matuwid ka, (L)na ngayon at nang nakaraan, Oh Banal, sapagka't humatol ka na gayon;

Sapagka't ibinuhos nila ang dugo (M)ng mga banal at ng mga propeta, (N)at pinainom mo sila ng dugo; ito'y karapatdapat sa kanila.

(O)At narinig ko ang (P)dambana na nagsasabi, Oo, Oh (Q)Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, tunay at matuwid ang iyong mga hatol.

At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok (R)sa araw; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao.

At (S)nangasunog ang mga tao sa matinding init: at (T)sila'y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito; (U)at hindi sila nangagsisi upang siya'y (V)luwalhatiin.

10 At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok (W)sa luklukan ng hayop na yaon; (X)at nagdilim ang kaniyang kaharian; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap,

11 At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap (Y)at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.

12 At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok (Z)sa malaking ilog na Eufrates; at natuyo (AA)ang tubig nito, (AB)upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw.

13 At nakita kong lumabas sa bibig (AC)ng dragon, at sa (AD)bibig ng hayop, at sa bibig (AE)ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na (AF)gaya ng mga palaka:

14 Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, (AG)na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa (AH)pagbabaka (AI)sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat.

15 (Narito, ako'y pumaparitong (AJ)gaya ng magnanakaw. (AK)Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.)

16 At tinipon sila (AL)sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na (AM)Armagedon.

17 At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin; at lumabas (AN)sa santuario ang isang malakas na tinig, mula sa luklukan na nagsasabi, Nagawa na:

18 At nagkaroon ng mga kidlat, at mga tinig, at mga kulog; at nagkaroon ng malakas na (AO)lindol, na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa, isang lindol na lubhang malakas, lubhang kakilakilabot.

19 At ang dakilang (AP)bayan ay nabahagi sa (AQ)tatlo, at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho: at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios, (AR)upang siya'y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan.

20 At tumakas ang (AS)bawa't pulo, at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan.

21 At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay (AT)lumagpak sa mga tao buhat sa langit, at namusong ang (AU)mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo; sapagka't ang salot na ito ay lubhang malaki.

Ang Pitong Mangkok ng Poot ng Diyos

16 Narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa banal na dako. Sinabi nito sa pitong anghel: Humayo kayo. Ibuhos ninyo ang poot ng Diyos na nasa mangkok sa ibabaw ng lupa.

Ang unang anghel ay lumabas at ibinuhos ang laman ng mangkok sa ibabaw ng lupa. At isang napakasama at napaka­tinding sugat ang dumapo sa mga taong may tatak ng mabangis na hayop at sa mga sumamba sa kaniyang larawan.

Ibinuhos ng pangalawang anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa dagat. At ito ay naging dugo, katulad ng dugo ng isang taong patay. Namatay ang lahat ng bagay na may buhay sa dagat.

At ibinuhos ng pangatlong anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig. Ang mga ito ay naging dugo. At narinig ko ang anghel ng mga tubig. Sinabi niya:

Panginoon, matuwid ka dahil sa paghatol mo sa ganitong paraan. Ikaw ang nakaraan at ang kasalukuyan, at ikaway banal.

Binigyan mo sila ng dugo na maiinom dahil pinadanak nila ang dugo ng iyong mga banal at mga propeta. Karapat-dapat sila para dito.

At ako ay nakarinig ng isa pang tinig na mula sa dambana. Sinabi nito:

Oo, Panginoong Diyos na Makapang­yayari sa lahat, ang iyong mga kahatulan ay totoo at matuwid.

Ibinuhos ng pang-apat na anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa araw. Binigyan siya ng kapangyarihan upang sunugin ang mga tao sa pamamagitan ng apoy. Sinunog nito ang mga tao sa pamamagitan ng matinding init. Nilapastangan nila ang pangalan ng Panginoon na siyang may kapamahalaan sa mga salot na ito. Hindi sila nagsisi upang magbigay ng kaluwalhatian sa kaniya.

10 Ibinuhos ng panglimang anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa ibabaw ng luklukan ng mabangis na hayop. Ang paghahari nito ay naging kadiliman. Kinagat ng mga tao ang kanilang dila dahil sa matinding sakit. 11 Nilapastangan nila ang Diyos sa langit dahil sa sakit at mga sugat nila. Hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga ginawa.

12 Ibinuhos ng pang-anim na anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa dakilang ilog ng Eufrates. Ang mga tubig nito ay natuyo upang maihanda ang daan ng mga hari na mula sa silangan. 13 At nakita ko ang tatlong karumal-dumal na espiritu na katulad ng mga palaka. Sila ay lumabas mula sa bibig ng dragon, mula sa bibig ng mabangis na hayop at mula sa bibig ng bulaang propeta. 14 Sila ay ang mga espiritu ng mga demonyo na gumagawa ng mga tanda, na lumabas patungo sa mga hari sa lupa at patungo sa mga tao sa buong daigdig. Sila ay nagtungo roon upang tipunin silang sama-sama sa labanan ng dakilang araw na iyon ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat.

15 Narito, ako ay dumarating na katulad ng isang magna­nakaw. Pinagpala ang mananatiling gising sa pagbabantay at nag-iingat ng kaniyang mga damit. Sa ganitong paraan, siya ay hindi maglalakad ng hubad at hindi makikita ng mga tao ang kaniyang kahihiyan.

16 At tinipon silang sama-sama sa dakong tinatawag ng mga tao na Armagedon sa wikang Hebreo.

17 Ibinuhos ng pangpitong anghel ang laman ng kaniyang mangkok sa hangin. Isang malakas na tinig ang lumabas mula sa banal na dako ng langit, mula sa trono. Sinabi nito: Naganap na. 18 Nagkaroon ng mga sigawan, mga kulog at mga kidlat. Nagkaroon ng napakalakas na lindol. Simula ng magkatao ang daigdig ay hindi pa nagkaroon ng lindol na kasinglaki at kasinglakas nito na nangyari sa lupa. 19 Ang dakilang lungsod ay nahati sa tatlong bahagi. Ang mga lungsod ng mga bansa ay bumagsak. At naala-ala ng Diyos ang dakilang Babilonya upang ibigay ang saro ng alak ng galit ng kaniyang poot. 20 Ang bawat pulo ay nawala. Walang sinumang makakakita ng anumang bundok. 21 Bumagsak ang malalaking graniso sa mga tao na mula sa langit. Ang bawat isang piraso ay tumitimbang ng tatlumpu at limang kilo. Dahil sa napakalaking graniso, nilapastangan ng mga tao ang Diyos sapagkat ang salot ay napakatindi.