Apocalipsis 14:8-10
Ang Biblia, 2001
8 At(A) isa pang anghel, ang pangalawa, ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang pakikiapid.”
9 At isa pang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na sinasabi sa malakas na tinig, “Kung ang sinuman ay sumasamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng tanda sa kanyang noo, o sa kanyang kamay,
10 ay(B) iinom din naman ng alak ng poot ng Diyos, na inihahandang walang halo sa kopa ng kanyang poot at pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at sa harapan ng Kordero.
Read full chapter
Pahayag 14:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 At (A) ang pangalawang anghel ay sumunod na nagsasabi, “Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang imoralidad.”
9 At pagkatapos, sumunod sa kanila ang ikatlong anghel na nagsasabi nang malakas, “Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito at tumatanggap ng tanda sa kanyang mga noo at sa kanyang mga kamay, 10 ay (B) iinom din sa alak ng poot ng Diyos, na ibubuhos na walang halo sa kopa ng kanyang galit. Ang taong iyon ay pahihirapan sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.