Add parallel Print Page Options

At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan (A)ng malaking bayan, na ayon sa espiritu ay tinatawag na (B)Sodoma at Egipto, na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila.

At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa, ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati, at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing.

10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila'y mangagpapadalahan ng mga kaloob; (C)sapagka't ang dalawang propetang ito ay (D)nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa.

Read full chapter