Apocalipsis 1:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (A)isang katulad ng isang anak ng tao, (B)na may suot na (C)damit hanggang sa paa, at (D)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.
14 At ang kaniyang ulo at ang (E)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (F)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;
15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (G)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (H)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.
Read full chapter
Pahayag 1:13-15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
13 (A) at sa gitna ng mga ilawang ito, nakita ko ang isang gaya ng Anak ng Tao na nakasuot ng mahabang damit at sa kanyang dibdib ay may bumabalot na gintong bigkis. 14 Ang (B) (C) kanyang ulo at buhok ay puti tulad ng balahibo ng tupa, kasimputi ng niebe; ang kanyang mga mata'y tulad ng ningas ng apoy, 15 (D) ang kanyang mga paa'y tulad ng tansong pinakintab na parang dinalisay sa pugon, at ang kanyang tinig ay tulad ng ingay ng rumaragasang tubig.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
