Print Page Options

Kapag hinipo ng Panginoong Dios na Makapangyarihan ang lupa, mayayanig ito at mag-iiyakan ang lahat ng naninirahan dito. Ang pagyanig nito ay parang pagtaas at pagbaba ng tubig sa Ilog ng Nilo sa Egipto.

Ang Dios ang gumawa ng kanyang sariling tirahan sa langit.
    At siya ang gumawa ng kalawakan sa itaas ng lupa.
    Siya rin ang nag-iipon ng tubig-dagat sa mga alapaap at pinauulan ito sa lupa.
    Ang pangalan niyaʼy Panginoon.

Sinabi ng Panginoon, “Ang turing ko sa inyo na mga taga-Israel ay katulad lang sa mga taga-Etiopia.[a] Totoong inilabas ko kayo sa Egipto, pero inilabas ko rin ang mga Filisteo sa Caftor[b] at ang mga Arameo[c] sa Kir.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:7 taga-Etiopia: sa literal, taga-Cush.
  2. 9:7 Caftor: o, Crete.
  3. 9:7 Arameo: o, taga-Syria.
'Amos 9:5-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain (A)at natutunaw, (B)at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto;

Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; (C)siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan.

(D)Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir?

Read full chapter

Sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo, ay siyang humihipo ng lupain at natutunaw, at lahat na nagsisitahan doon ay magsisitangis; at babangong samasama na gaya ng Ilog, at lulubog uli, na gaya ng Ilog ng Egipto;

Siya na gumawa ng kaniyang mga silid sa langit, at kumatha ng kaniyang balantok sa lupa; siya na tumatawag ng tubig sa dagat at ibinubugso sa ibabaw ng lupa; Panginoon ang kaniyang pangalan.

Di baga kayo'y parang mga anak ng mga taga Etiopia sa akin, Oh mga anak ni Israel? sabi ng Panginoon. Hindi ko baga pinasampa ang Israel mula sa lupain ng Egipto, at ang mga Filisteo, ay mula sa Caphtor, at ang mga taga Siria ay sa Chir?

Read full chapter

The Lord, the Lord Almighty—
he touches the earth and it melts,(A)
    and all who live in it mourn;
the whole land rises like the Nile,
    then sinks like the river of Egypt;(B)
he builds his lofty palace[a](C) in the heavens
    and sets its foundation[b] on the earth;
he calls for the waters of the sea
    and pours them out over the face of the land—
    the Lord is his name.(D)

“Are not you Israelites
    the same to me as the Cushites[c]?”(E)
declares the Lord.
“Did I not bring Israel up from Egypt,
    the Philistines(F) from Caphtor[d](G)
    and the Arameans from Kir?(H)

Read full chapter

Footnotes

  1. Amos 9:6 The meaning of the Hebrew for this phrase is uncertain.
  2. Amos 9:6 The meaning of the Hebrew for this word is uncertain.
  3. Amos 9:7 That is, people from the upper Nile region
  4. Amos 9:7 That is, Crete