Add parallel Print Page Options

12 upang masakop ng mga Israelita ang natitirang lupain ng Edom at ang iba pang mga bansa na sinakop nila noon, na itinuring kong akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito, at gagawin ko ang mga bagay na ito.”

13 Sinabi pa ng Panginoon tungkol sa mga taga-Israel, “Darating ang araw na magiging masagana ang kanilang ani, hindi pa nga nila natatapos ang pag-aani, sinisimulan na naman ang pag-aararo. At hindi pa natatapos ang pagpisa ng ubas, panahon na naman ng pagtatanim nito. Kung titingnan ang napakaraming ubas na namumunga sa mga bundok at burol, para bang dumadaloy ang matamis na bagong katas nito.[a] 14 Pababalikin ko ang mga mamamayan kong Israelita sa kanilang lupain mula sa pagkakabihag.[b] Muli nilang itatayo ang kanilang mga nasirang bayan at doon na sila maninirahan. Magtatanim sila ng ubas at iinom ng katas nito. Magtatanim sila sa kanilang mga halamanan, at kakainin nila ang mga bunga nito.

Read full chapter

Footnotes

  1. 9:13 Ang panahon ng pag-ani ng trigo sa Israel ay sa buwan ng Abril at Mayo, at ang panahon ng pagtatanim naman ay sa buwan ng Oktubre at Nobyembre. Ang panahon ng pagpisa ng ubas para gawing alak ay sa buwan ng Septyembre, at ang pagtatanim naman ng ubas ay sa buwan ng Nobyembre at Disyembre.
  2. 9:14 Pababalikin … pagkakabihag: o, Ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng mga mamamayan kong Israelita.