Add parallel Print Page Options

Ito pa ang ipinakita sa akin ng Panginoong Dios: Nakita ko ang Panginoon na nakatayo malapit sa pader at may hawak na hulog[a] na ginagamit para malaman kung tuwid ang pagkagawa ng pader. Tinanong ako ng Panginoon, “Amos, ano ang nakikita mo?” Sumagot ako, “Hulog po.” Sinabi niya sa akin, “Batay sa aking panukat, hindi matuwid ang buhay ng mga mamamayan kong Israelita. Kaya ngayon hindi ko na sila kaaawaan. Gigibain ko ang mga sambahan sa matataas na lugar[b] na sinasambahan ng mga Israelita na lahi ni Isaac. At ipapasalakay ko sa mga kaaway ng Israel ang kaharian ni Haring Jeroboam.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:7 hulog: isang bagay na mabigat na may tali na ginagamit para malaman kung tuwid o hindi.
  2. 7:9 sambahan sa matataas na lugar: Tingnan sa Talaan ng mga Salita sa likod.