Add parallel Print Page Options

Ang Pagkawasak ng Israel

Kahabag-habag kayong namumuhay na maginhawa sa Zion,

    at kayong naninirahang matiwasay sa Bundok ng Samaria,
kayo na kinikilala sa Israel,
    ang bansang pinili at nilalapitan ng mga nangangailangan!
Tingnan ninyo ang lunsod ng Calne;
    puntahan ninyo ang tanyag na lunsod ng Hamat,
    at ang Gat, na lunsod ng mga Filisteo.
Nakakahigit ba sila kaysa Juda at Israel?
    Mas malaki ba ang lupaing sakop nila kaysa inyo?
Gusto ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong kapahamakan,
    ngunit sa ginagawa ninyo'y lalong nalalapit ang araw ng karahasan.

Kahabag-habag kayo na nahihiga sa magagarang kama na yari sa garing,
    at nagpapahinga sa malalapad na himlayan,
habang nagpapakabusog sa mga piling tupa at pinatabang guya.
Lumilikha pa kayo ng mga walang kabuluhang awitin sa saliw ng alpa;
    tulad ni David, gumagawa kayo ng mga instrumento para sa inyong musika.
Sa malalaking mangkok na kayo umiinom ng alak,
    at mamahaling pabango ang ipinapahid sa katawan,
    ngunit hindi kayo nagdadalamhati sa pagkawasak ng Israel!
Kaya nga't kayo ang unang magiging bihag;
    matitigil na ang inyong mga handaan at pagdiriwang.

Mariing ipinahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
“Namumuhi ako sa labis na kapalaluan ng Israel!
    Hindi ako nalulugod sa kanilang mga tanggulan.
    Ibibigay ko sa kaaway ang buong lunsod at ang lahat ng bagay na naroon.”

Kung sasampung lalaki ang natira sa isang pamilya, silang lahat ay mamamatay. 10 Kapag dumating ang kamag-anak ng mga namatay upang ilabas at sunugin ang mga bangkay, magtatanong siya sa sinumang nagtatago sa bahay kung mayroon pa siyang ibang kasama. Kung ang sagot ay, “Wala!” sasabihin nito, “Tumahimik ka!” Ingatan nating huwag mabanggit man lang ang pangalan ni Yahweh.

11 Kapag siya ang nag-utos,
    magkakadurug-durog ang mga bahay,
    malaki man o maliit.
12 Tumatakbo ba sa batuhan ang mga kabayo?
    Naipang-aararo ba sa dagat ang mga baka?
Hindi nga, ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan
    at pinalitaw na mali ang tama.
13 Tuwang-tuwa kayo nang masakop ninyo ang bayan ng Lo-debar.[a]
    Sabi ninyo, “Tayo'y malakas at nakaya nating sakupin ang Karnaim.”[b]
14 Ngunit ito ang sagot ni Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat:
    “Susuguin ko ang isang bansa laban sa inyo, mga taga-Israel.
Kayo'y pahihirapan buhat sa Pasong Hamat sa hilaga
    hanggang sa Batis ng Araba sa timog.”

Footnotes

  1. 13 LO-DEBAR: Sa wikang Hebreo, ang pangalang ito ay kasintunog ng salitang “wala”.
  2. 13 KARNAIM: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “mga sungay”.

Ang Pagkawasak ng Israel

“Kahabag-habag sila na nagwawalang-bahala sa Zion,
    at sila na tiwasay sa bundok ng Samaria,
ang mga kilalang tao ng una sa mga bansa,
    na pinagmulan ng sambahayan ni Israel!
Dumaan kayo sa Calne, at inyong tingnan;
    at mula roon ay pumunta kayo sa Hamat na dakila;
    at pagkatapos ay bumaba kayo sa Gat ng mga Filisteo.
Magaling ba sila kaysa mga kahariang ito?
    O mas malaki ba ang kanilang nasasakupan kaysa inyong nasasakupan?
Naglalayo ba kayo ng araw ng sakuna
    at maglalapit ba kayo ng upuan ng karahasan?

“Silang mga nahihiga sa mga higaang garing,
    at nag-uunat ng kanilang sarili sa kanilang mga hiligan,
at kumakain ng mga batang tupa mula sa kawan,
    at ng mga guya na mula sa gitna ng kulungan;
na kumakatha ng mga tunog ng alpa na walang paghahanda;
    na kumakatha para sa kanilang sarili ng mga panugtog ng tugtugin, na gaya ni David;
na umiinom ng alak sa mga mangkok,
    at binubuhusan ang kanilang sarili ng pinakamagandang uri ng langis,
    ngunit hindi nahahapis sa pagkaguho ni Jose.
Kaya't sila ngayon ay tutungo sa pagkabihag sa unahan ng mga bihag,
    at ang kasayahan nila na nag-uunat ng sarili ay mapaparam.”

Ang Panginoong Diyos ay sumumpa sa kanyang sarili,
ang Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo ay nagsabi:
“Aking kinapopootan ang kapalaluan ng Jacob,
    at aking kinamumuhian ang kanyang mga muog;
    kaya't aking ibibigay ang lunsod at lahat ng naroroon.”

At kung may natitirang sampung tao sa isang bahay, sila'y pawang mamatay.

10 At kapag ang isang tiyuhin o yaong sumusunog ng patay, ang magbubuhat upang ilabas ang buto mula sa bahay, at sasabihin doon sa nasa loob na bahagi ng bahay, “Mayroon ka pa bang kasama?” at kanyang sasabihin: “Wala”; kung magkagayo'y kanyang sasabihin: “Tumahimik ka! Hindi natin dapat banggitin ang pangalan ng Panginoon.”

11 Sapagkat narito, ang Panginoon ay mag-uutos
    na ang malaking bahay ay mawawasak,
    at ang munting bahay ay madudurog.
12 Tumatakbo ba ang mga kabayo sa malaking bato?
    Inaararo ba ng sinuman ang dagat sa pamamagitan ng mga toro?
Ngunit inyong ginawang lason ang katarungan,
    at ginawang mapait na kahoy ang bunga ng katuwiran.
13 Kayong nagagalak sa isang bagay na walang kabuluhan, na nagsasabi;
    “Hindi ba sa pamamagitan ng sarili naming lakas
    ay nagapi namin ang mga sungay para sa aming sarili?”
14 “Sapagkat aking ititindig laban sa inyo ang isang bansa,
    O sambahayan ni Israel,” sabi ng Panginoon, ng Diyos ng mga hukbo;
“at kanilang pahihirapan kayo mula sa pasukan sa Hamat
    hanggang sa batis ng Araba.”

Woe to them that are at ease in Zion, and trust in the mountain of Samaria, which are named chief of the nations, to whom the house of Israel came!

Pass ye unto Calneh, and see; and from thence go ye to Hamath the great: then go down to Gath of the Philistines: be they better than these kingdoms? or their border greater than your border?

Ye that put far away the evil day, and cause the seat of violence to come near;

That lie upon beds of ivory, and stretch themselves upon their couches, and eat the lambs out of the flock, and the calves out of the midst of the stall;

That chant to the sound of the viol, and invent to themselves instruments of musick, like David;

That drink wine in bowls, and anoint themselves with the chief ointments: but they are not grieved for the affliction of Joseph.

Therefore now shall they go captive with the first that go captive, and the banquet of them that stretched themselves shall be removed.

The Lord God hath sworn by himself, saith the Lord the God of hosts, I abhor the excellency of Jacob, and hate his palaces: therefore will I deliver up the city with all that is therein.

And it shall come to pass, if there remain ten men in one house, that they shall die.

10 And a man's uncle shall take him up, and he that burneth him, to bring out the bones out of the house, and shall say unto him that is by the sides of the house, Is there yet any with thee? and he shall say, No. Then shall he say, Hold thy tongue: for we may not make mention of the name of the Lord.

11 For, behold, the Lord commandeth, and he will smite the great house with breaches, and the little house with clefts.

12 Shall horses run upon the rock? will one plow there with oxen? for ye have turned judgment into gall, and the fruit of righteousness into hemlock:

13 Ye which rejoice in a thing of nought, which say, Have we not taken to us horns by our own strength?

14 But, behold, I will raise up against you a nation, O house of Israel, saith the Lord the God of hosts; and they shall afflict you from the entering in of Hemath unto the river of the wilderness.

Woe to the Complacent

Woe to you(A) who are complacent(B) in Zion,
    and to you who feel secure(C) on Mount Samaria,(D)
you notable men of the foremost nation,
    to whom the people of Israel come!(E)
Go to Kalneh(F) and look at it;
    go from there to great Hamath,(G)
    and then go down to Gath(H) in Philistia.
Are they better off than(I) your two kingdoms?
    Is their land larger than yours?
You put off the day of disaster
    and bring near a reign of terror.(J)
You lie on beds adorned with ivory
    and lounge on your couches.(K)
You dine on choice lambs
    and fattened calves.(L)
You strum away on your harps(M) like David
    and improvise on musical instruments.(N)
You drink wine(O) by the bowlful
    and use the finest lotions,
    but you do not grieve(P) over the ruin of Joseph.(Q)
Therefore you will be among the first to go into exile;(R)
    your feasting and lounging will end.(S)

The Lord Abhors the Pride of Israel

The Sovereign Lord has sworn by himself(T)—the Lord God Almighty declares:

“I abhor(U) the pride of Jacob(V)
    and detest his fortresses;(W)
I will deliver up(X) the city
    and everything in it.(Y)

If ten(Z) people are left in one house, they too will die. 10 And if the relative who comes to carry the bodies out of the house to burn them[a](AA) asks anyone who might be hiding there, “Is anyone else with you?” and he says, “No,” then he will go on to say, “Hush!(AB) We must not mention the name of the Lord.”

11 For the Lord has given the command,
    and he will smash(AC) the great house(AD) into pieces
    and the small house into bits.(AE)

12 Do horses run on the rocky crags?
    Does one plow the sea[b] with oxen?
But you have turned justice into poison(AF)
    and the fruit of righteousness(AG) into bitterness(AH)
13 you who rejoice in the conquest of Lo Debar[c]
    and say, “Did we not take Karnaim[d] by our own strength?(AI)

14 For the Lord God Almighty declares,
    “I will stir up a nation(AJ) against you, Israel,
that will oppress you all the way
    from Lebo Hamath(AK) to the valley of the Arabah.(AL)

Footnotes

  1. Amos 6:10 Or to make a funeral fire in honor of the dead
  2. Amos 6:12 With a different word division of the Hebrew; Masoretic Text plow there
  3. Amos 6:13 Lo Debar means nothing.
  4. Amos 6:13 Karnaim means horns; horn here symbolizes strength.