Add parallel Print Page Options

Ang Moab

Ganito(A) ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Moab,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa;
sapagkat kanyang sinunog upang maging apog ang mga buto ng hari ng Edom.
Kaya't ako'y magsusugo ng apoy sa Moab,
    at tutupukin nito ang mga tanggulan ng Kiryot;
at ang Moab ay mamamatay sa gitna ng pagkakagulo,
    na may sigawan at tunog ng trumpeta.
At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyon,
    at papatayin ko ang lahat ng pinuno niyon na kasama niya,” sabi ng Panginoon.

Ang Hatol ng Diyos sa Juda

Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Juda,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa,
sapagkat kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon,
    at hindi iningatan ang kanyang mga tuntunin,
kundi iniligaw sila ng kanilang mga kasinungalingang
    nilakaran din ng kanilang mga magulang.
Kaya't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda;
    at tutupukin niyon ang mga tanggulan ng Jerusalem.”

Ang Hatol ng Diyos sa Israel

Ganito ang sabi ng Panginoon:
“Dahil sa tatlong pagsuway ng Israel,
    at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa;
sapagkat kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak,
    at ang nangangailangan sa isang pares na sandalyas—
kanilang tinapakan ang ulo ng dukha sa alabok ng lupa,
    at inililiko ang lakad ng mapagpakumbaba;
at ang lalaki at kanyang ama ay sumisiping sa iisang dalaga,
    kaya't nalapastangan ang aking banal na pangalan.
At sila'y nakahiga sa tabi ng bawat dambana,
    sa ibabaw ng mga kasuotang nakuha sa pamamagitan ng sangla;
at sa bahay ng kanilang Diyos ay umiinom sila ng alak
    na binili mula sa multa na kanilang ipinataw.

“Gayunma'y(B) nilipol ko ang Amoreo sa harapan nila,
    na ang taas ay gaya ng taas ng mga sedro,
    at kasinlakas na gaya ng mga ensina;
nilipol ko ang kanyang bunga sa itaas, at ang kanyang mga ugat sa ilalim.
10 Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Ehipto,
    at pinatnubayan ko kayo nang apatnapung taon sa ilang,
    upang angkinin ninyo ang lupain ng Amoreo.
11 At(C) pinili ko ang ilan sa inyong mga anak upang maging mga propeta,
    at ang ilan sa inyong mga binata upang maging mga Nazirita.
    Di ba gayon, O bayan ng Israel?” sabi ng Panginoon.
12 “Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazirita,
    at inutusan ninyo ang mga propeta,
    na sinasabi, ‘Huwag kayong magsalita ng propesiya!’

13 “Narito, pabibigatan ko kayo sa inyong dako,
    na gaya ng pagpapabigat sa isang karwaheng punô ng mga bigkis.
14 Ang pagtakas ay maglalaho sa matulin;
    at hindi mapapanatili ng malakas ang kanyang kalakasan;
    ni maililigtas ng makapangyarihan ang kanyang sarili.
15 Hindi makakatindig ang humahawak ng pana;
    at siyang matulin ang paa ay hindi makakatakas,
    ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makapagliligtas ng kanyang buhay.
16 At siya na matapang sa mga makapangyarihan
    ay tatakas na hubad sa araw na iyon,” sabi ng Panginoon.

Hatol sa Moab.

Ganito ang sabi ng Panginoon: (A)Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (B)kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog.

Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak.

At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon.

Ang hatol sa Juda at sa Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; (C)sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, (D)ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang.

Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't (E)kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at (F)ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak—

Na iniimbot ang (G)alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan:

At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw (H)ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa.

Gayon ma'y nililipol ko (I)ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.

10 Iniahon (J)ko rin kayo sa lupain ng Egipto, at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang, upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo.

11 At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta, at sa inyong mga binata ng mga (K)Nazareo. Di baga gayon, Oh kayong mga anak ng Israel? sabi ng Panginoon.

12 (L)Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula.

13 Narito, aking huhutukin kayo sa inyong dako, na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis.

14 At (M)ang pagtakas ay mapapawi sa (N)matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili;

15 Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas; (O)ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas:

16 At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.