Print Page Options

Niyuyurakan nila ang mga abâ;
    ipinagtutulakan nila ang mahihirap.
Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin,
    kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan.
Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altar
    ang balabal na sangla ng isang may utang.
Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinuman
    ng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha.
Nagawa(A) pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo,
    na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina.
Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila.

Read full chapter

kanilang tinapakan ang ulo ng dukha sa alabok ng lupa,
    at inililiko ang lakad ng mapagpakumbaba;
at ang lalaki at kanyang ama ay sumisiping sa iisang dalaga,
    kaya't nalapastangan ang aking banal na pangalan.
At sila'y nakahiga sa tabi ng bawat dambana,
    sa ibabaw ng mga kasuotang nakuha sa pamamagitan ng sangla;
at sa bahay ng kanilang Diyos ay umiinom sila ng alak
    na binili mula sa multa na kanilang ipinataw.

“Gayunma'y(A) nilipol ko ang Amoreo sa harapan nila,
    na ang taas ay gaya ng taas ng mga sedro,
    at kasinlakas na gaya ng mga ensina;
nilipol ko ang kanyang bunga sa itaas, at ang kanyang mga ugat sa ilalim.

Read full chapter

Na iniimbot ang alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan:

At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa.

Gayon ma'y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.

Read full chapter

Na iniimbot ang (A)alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan:

At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw (B)ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa.

Gayon ma'y nililipol ko (C)ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim.

Read full chapter
'Amos 2:7-9' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.