Add parallel Print Page Options

May mga nagbalita sa iglesya rito tungkol sa iyong pag-ibig. Sana'y tulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, gaya ng nararapat gawin sa mga lingkod ng Diyos, sapagkat naglalakbay sila sa pangalan ni Cristo at hindi tumatanggap ng anumang tulong mula sa mga hindi sumasampalataya sa Diyos. Dapat natin silang tulungan upang tayo'y makabahagi sa kanilang gawain para sa katotohanan.

Read full chapter

Nagpatotoo sa iglesya ang mga kapatid tungkol sa iyong pag-ibig. Makabubuti kung matutulungan mo sila sa kanilang paglalakbay, na siya namang kalugud-lugod sa Diyos. Sapagkat sila ay nagsimula nang maglakbay alang-alang kay Cristo.[a] Ginawa nila ito nang hindi tumatanggap ng anumang tulong mula sa mga di-mananampalataya. Kaya nga, nararapat nating tulungan ang mga taong tulad nila, upang tayo'y maging kamanggagawa para sa katotohanan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3 Juan 1:7 Cristo: Sa Griyego, Pangalan.