Add parallel Print Page Options

11 (A)At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking (B)papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon (C)na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.

12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, (D)aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.

13 (E)Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking (F)itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.

14 (G)Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;

15 Ngunit ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na (H)gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.

16 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang (I)iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.

Read full chapter