Font Size
2 Pedro 2:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Pedro 2:13-15
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 Pahihirapan sila gaya ng pagpapahirap nila sa iba. Kaligayahan na nila ang hayagang magbigay kasiyahan sa kanilang pagnanasa. Dumadalo pa naman sila sa inyong salu-salo, ngunit kahiya-hiya at kasiraang-puri ang kanilang ginagawa; ikinatutuwa nilang kayo'y kanilang nalilinlang. 14 Wala silang hinahanap kundi ang pagkakataong makiapid; wala silang sawa sa paggawa ng kasalanan. Itinutulak pa nila sa pagkakasala ang mahihina. Sila'y mga sakim at sila'y isinumpa! 15 Lumihis(A) sila sa matuwid na landas at naligaw. Tinularan nila si Balaam, anak ni Beor[a] na nagpahalaga sa salapi kapalit ng paggawa niya ng masama.
Read full chapterFootnotes
- 15 Beor: Sa ibang manuskrito'y Bosor .