2 Timoteo 4:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 Ngayon ay nakalaan na sa akin ang koronang inilaan sa mga matuwid, na sa araw na iyon ay igagawad sa akin ng Panginoon, ang makatarungang hukom. Ngunit ito'y hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang muling pagdating.
Mga Personal na Tagubilin
9 Sikapin mong makapunta rito sa akin sa lalong madaling panahon. 10 Iniwan (A) na ako ni Demas, dahil sa kanyang pag-ibig sa kasalukuyang buhay. Pumunta siya sa Tesalonica. Si Crescente nama'y nagtungo sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia.
Read full chapter
2 Timoteo 4:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Kaya't mula ngayon ay nakalaan na sa akin ang putong ng katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na iyon, at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kanyang pagpapakita.
Mga Personal na Tagubilin
9 Magsikap kang pumarito agad sa akin,
10 sapagkat(A) iniwan ako ni Demas, na umibig sa sanlibutang ito, at nagtungo sa Tesalonica; si Crescente ay nagtungo sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia.
Read full chapter
2 Timoteo 4:8-10
Ang Biblia (1978)
8 Buhat ngayon ay natataan (A)sa akin (B)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (C)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (D)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (E)Tito ay sa Dalmacia.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
