Add parallel Print Page Options

Ngayon ay nakalaan na sa akin ang koronang inilaan sa mga matuwid, na sa araw na iyon ay igagawad sa akin ng Panginoon, ang makatarungang hukom. Ngunit ito'y hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang muling pagdating.

Mga Personal na Tagubilin

Sikapin mong makapunta rito sa akin sa lalong madaling panahon. 10 Iniwan (A) na ako ni Demas, dahil sa kanyang pag-ibig sa kasalukuyang buhay. Pumunta siya sa Tesalonica. Si Crescente nama'y nagtungo sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia.

Read full chapter

Buhat ngayon ay natataan (A)sa akin (B)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (C)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.

Magsikap kang pumarini na madali sa akin:

10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (D)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (E)Tito ay sa Dalmacia.

Read full chapter

Kaya't mula ngayon ay nakalaan na sa akin ang putong ng katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na iyon, at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kanyang pagpapakita.

Mga Personal na Tagubilin

Magsikap kang pumarito agad sa akin,

10 sapagkat(A) iniwan ako ni Demas, na umibig sa sanlibutang ito, at nagtungo sa Tesalonica; si Crescente ay nagtungo sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia.

Read full chapter

Kaya nga, ang Diyos ay naglaan para sa akin sa itaas ng isang gantimpalang putong ng katuwiran. Ang Panginoon na siyang matuwid na tagahatol ang magbibigay sa akin nito sa araw na iyon, at hindi lamang sa akin, kundi sa kanila na nagmamahal sa kaniyang pagpapakita.

Mga Sariling Habilin

Sikapin mong makaparito sa akin sa lalong madaling panahon.

10 Ito ay sapagkat pinabayaan ako ni Demas at siya ay pumunta sa Tesalonica dahil inibig niya ang kasalukuyang sanlibutang ito. Si Cresente ay pumunta sa Galacia. Si Tito ay pumunta sa Dalmacia.

Read full chapter