2 Timoteo 3:5-7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
5 Sila'y may anyo ng pagiging maka-Diyos, ngunit hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa kanilang pamumuhay. Iwasan mo ang ganyang uri ng mga tao. 6 May ilan sa kanila na gagamit ng panlilinlang upang makapasok sa mga bahay ng mga babaing madaling malinlang. Ang mga babaing ito'y inuusig ng bigat ng kanilang mga pagkakasala at itinutulak sa sari-saring pagnanasa. 7 Lahat na'y gustong matutunan ng mga babaing ito ngunit kailanma'y hindi nila nauunawaan ang katotohanan.
Read full chapter
2 Timoteo 3:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Sila'y magkukunwaring maka-Diyos, ngunit tinatanggihan naman ang kapangyarihan nito. Layuan mo ang ganitong uri ng mga tao. 6 May ilan sa kanila ang gumagamit ng panlilinlang upang makapasok sa mga tahanan at makabihag ng mga mahihinang kababaihan, mga kababaihang pinahihirapan ng kasalanan at ng iba't ibang uri ng pagnanasa. 7 Sila'y laging tinuturuan, ngunit hindi nila natututuhan ang katotohanan.
Read full chapter
2 Timoteo 3:5-7
Ang Biblia (1978)
5 (A)Na may (B)anyo ng kabanalan, datapuwa't (C)tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.
6 Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita,
7 Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating (D)sa pagkaalam ng katotohanan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978