Add parallel Print Page Options

11 Dito(A) ay itinalaga ako na tagapangaral, apostol at guro.[a]

12 At dahil din dito, ako'y nagdurusa ng mga bagay na ito; gayunma'y hindi ako nahihiya sapagkat kilala ko ang aking sinampalatayanan, at ako'y lubos na naniniwalang maiingatan niya ang aking ipinagkatiwala sa kanya[b] hanggang sa araw na iyon.

13 Sundan mo ang huwaran ng mga wastong salita na narinig mo sa akin, sa pananampalataya at pag-ibig na na kay Cristo Jesus.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Timoteo 1:11 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na ng mga Hentil .
  2. 2 Timoteo 1:12 aking ipinagkatiwala sa kanya o ipinagkatiwala sa akin .

11 Dito ay itinalaga ako na maging isang tagapangaral, isang apostol at isang guro para sa mga Gentil. 12 Dahil dito, nagtitiis ako sa mga bagay na ito. Ngunit hindi ako nahihiya. Ang dahilan nito ay kilala ko ang aking sinasampalatayanan at natitiyak kong kaya niyang ingatan ang inilagak ko sa kaniya hanggang sa araw na iyon.

13 Panatilihin mong maging huwaran ng mapagkaka­tiwalaang salita na iyong narinig mula sa akin. Panatilihin mo ito sa pananampalataya at sa pag-ibig na na kay Cristo Jesus.

Read full chapter