2 Timoteo 4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
4 Inaatasan kita sa presensya ng Dios at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buhay at mga patay, at muling babalik at maghahari: 2 Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Dios sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. 3 Sapagkat darating ang panahon na ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral. Sa halip, hahanap sila ng mga gurong magtuturo lamang ng gusto nilang marinig para masunod nila ang kanilang layaw. 4 Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan at babaling sila sa mga aral na gawa-gawa lang ng tao. 5 Ngunit ikaw, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras; magtiis ka sa mga paghihirap. Gawin mo ang tungkulin mo bilang tagapangaral ng Magandang Balita, at tuparin mo ang mga tungkulin mo bilang lingkod ng Dios.
6 Ang buhay ko ay iaalay na, dahil dumating na ang panahon ng pagpanaw ko. 7 Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. 8 At ngayon, may inilaan ang Dios sa akin na korona ng katuwiran.[a] Ibibigay ito sa akin ng makatarungang Panginoon sa araw ng paghuhukom niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi maging ang lahat ng nananabik sa pagbabalik niya.
Mga Personal na Bilin
9 Pagsikapan mong makapunta rito sa akin sa lalong madaling panahon 10 dahil iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito. Si Cresens naman ay nagpunta sa Galacia, at si Tito sa Dalmatia. 11 Si Lucas lang ang kasama ko. Kaya isama mo na rin si Marcos sa pagpunta mo rito dahil malaki ang maitutulong niya sa mga gawain ko. 12 Si Tykicus namaʼy pinapunta ko sa Efeso. 13 Pagpunta mo ritoʼy dalhin mo ang balabal ko na iniwan ko kay Carpus sa Troas. Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong mga gawa sa balat ng hayop.
14 Napakasama ng ginawa sa akin ng panday na si Alexander. Ang Panginoon na ang bahalang magparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa. 15 Mag-ingat ka rin sa kanya dahil sinasalungat niya nang husto ang mga ipinangangaral natin.
16 Walang sumama sa akin sa unang paglilitis sa akin; iniwan ako ng lahat. Patawarin sana sila ng Dios. 17 Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas para maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Judio. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.[b] 18 Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen!
Mga Pangangamusta
19 Ikumusta mo ako kina Priscila at Aquila at sa pamilya ni Onesiforus. 20 Si Erastus ay nanatili sa Corinto, at si Trofimus namaʼy iniwan ko sa Miletus dahil may sakit siya. 21 Sikapin mong makarating dito bago magtaglamig.
Kinukumusta ka nina Eubulus, Pudens, Linus, Claudia at ng lahat ng mga kapatid dito.
22 Sumainyo nawa ang Panginoon at ang pagpapala niya.
2 Timoteo 4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
4 Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus, na siyang hahatol sa mga buháy at sa mga patay sa kanyang pagdating bilang hari, itinatagubilin ko ito sa iyo: 2 ipangaral mo ang salita; pagsikapan mo iyan umaayon man ang panahon o hindi. Ituwid mo ang mga tao, sawayin sila, palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng iyong matiyagang pagtuturo. 3 Sapagkat darating ang panahon na hindi makikinig ang mga tao sa wastong aral. Sa halip, upang masunod ang kanilang kagustuhan, maghahanap sila ng mga gurong magtuturo sa kanila ng mga gusto nilang marinig. 4 Tatalikod sila sa pakikinig sa katotohanan at babaling sa pakikinig ng mga alamat. 5 Kaya magpakahinahon ka, tiisin mo ang mga kahirapan, gampanan mo ang gawain ng isang ebanghelista, at pagbutihin mo ang iyong paglilingkod.
6 Dumating na ang panahon ng aking pagpanaw. Ibinuhos na ang aking buhay tulad ng isang inuming-handog. 7 Nakipaglaban ako nang mabuti, natapos ko na ang aking takbuhin, nanatili ako sa pananampalataya. 8 Ngayon ay nakalaan na sa akin ang koronang inilaan sa mga matuwid, na sa araw na iyon ay igagawad sa akin ng Panginoon, ang makatarungang hukom. Ngunit ito'y hindi lamang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kanyang muling pagdating.
Mga Personal na Tagubilin
9 Sikapin mong makapunta rito sa akin sa lalong madaling panahon. 10 Iniwan (A) na ako ni Demas, dahil sa kanyang pag-ibig sa kasalukuyang buhay. Pumunta siya sa Tesalonica. Si Crescente nama'y nagtungo sa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. 11 Si (B) Lucas na lamang ang kasama ko. Himukin mong sumama sa iyo si Marcos papunta rito, sapagkat malaking tulong siya sa aking gawain. 12 Pinapunta (C) ko si Tiquico sa Efeso. 13 Dalhin (D) mo rito ang aking balabal na iniwan ko kay Carpo sa Troas. Dalhin mo rin ang aking mga aklat, lalo na iyong mga yari sa balat. 14 Napakasama (E) ng ginawa sa akin ng panday-tansong si Alejandro. Ang Panginoon na ang bahalang gumanti sa kanyang ginawa. 15 Mahigpit ang pagtutol niya sa ating ipinapangaral, kaya mag-ingat ka sa kanya. 16 Sa unang paglilitis ay walang sumama sa akin; pinabayaan ako ng lahat. Huwag nawa itong ibilang ng Panginoon laban sa kanila. 17 Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon! Sinamahan niya ako at binigyan ng lakas upang maipahayag ang mensahe at mapakinggan ito ng lahat ng mga Hentil. At gaya ng pagkaligtas mula sa bibig ng leon, ako'y naligtas mula sa tiyak na kamatayan. 18 Ang Panginoon ang magliligtas sa akin sa bawat masamang gawa at siya rin ang maghahatid sa akin sa kanyang kaharian sa langit. Sa kanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Huling Pagbati at Basbas
19 Ikumusta (F) mo ako kina Priscila at Aquila at sa sambahayan ni Onesiforo. 20 Nanatili (G) si Erasto sa Corinto, si Trofimo naman ay iniwan kong maysakit sa Mileto. 21 Pilitin mong makapunta dito bago magtaglamig. Kinukumusta ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia, at ng lahat ng mga kapatid. 22 Sumaiyo nawa ang Panginoon.[a] Sumainyo ang lahat ng biyaya ng Diyos.[b]
Footnotes
- 2 Timoteo 4:22 Sa Griyego, sumaiyong Espiritu.
- 2 Timoteo 4:22 Sa ibang mga kasulatan ay mayroong Amen.
2 Timotei 4
Nouă Traducere În Limba Română
4 Te rog solemn înaintea lui Dumnezeu şi a lui Cristos Isus, Care urmează să judece viii şi morţii, şi având în vedere arătarea Lui şi Împărăţia[a] Lui: 2 predică Cuvântul; fii pregătit la timp potrivit sau nepotrivit; mustră, corectează, încurajează cu toată răbdarea şi învăţătura! 3 Căci va veni vremea când oamenii nu vor mai suporta învăţătura sănătoasă, ci îşi vor îngrămădi învăţători după poftele lor, ca să audă doar lucruri ce le gâdilă urechile. 4 Îşi vor întoarce urechea de la adevăr şi se vor duce după mituri. 5 Însă tu fii treaz în toate lucrurile, îndură suferinţele, fă lucrarea unui evanghelist, împlineşte-ţi bine slujba!
6 Căci eu sunt gata să fiu turnat ca o jertfă de băutură[b], şi timpul plecării mele este aproape. 7 M-am luptat lupta cea bună, mi-am sfârşit alergarea, am păzit credinţa. 8 De acum mă aşteaptă cununa dreptăţii, pe care mi-o va da Domnul, Judecătorul cel Drept, în ziua aceea, şi nu numai mie, ci tuturor celor care vor fi iubit arătarea Lui.
Instrucţiuni personale
9 Străduieşte-te să vii la mine cât de repede! 10 Demas, din dragoste pentru lumea de acum, m-a părăsit şi s-a dus la Tesalonic; Crescens s-a dus în Galatia, Titus în Dalmaţia[c]. 11 Numai Luca este cu mine. Ia-l pe Marcu şi adu-l cu tine, pentru că îmi este de folos în slujire! 12 Pe Tihicus l-am trimis la Efes. 13 Când vii, adu şi mantaua pe care am lăsat-o în Troa, la Carp, precum şi sulurile, mai ales pe cele din piele. 14 Alexandru, căldărarul, mi-a făcut mult rău. Domnul îl va răsplăti după faptele lui. 15 Păzeşte-te de el, pentru că el s-a împotrivit foarte tare cuvintelor noastre.
16 La primul meu răspuns de apărare, nimeni n-a stat alături de mine, ci toţi m-au părăsit. Să nu le fie ţinut în seamă lucrul acesta! 17 Însă Domnul a stat lângă mine şi m-a întărit, pentru ca, prin mine, mesajul să fie pe deplin vestit şi toate neamurile să-l audă. Şi am fost izbăvit din gura leului[d]. 18 Domnul mă va scăpa de orice lucru rău şi mă va mântui pentru Împărăţia Lui cerească. A Lui să fie slava, în vecii vecilor! Amin.
19 Salută-i pe Prisca[e] şi Aquila şi pe cei din casa lui Onisiforus! 20 Erastus a rămas în Corint, iar pe Trofimus l-am lăsat bolnav în Milet. 21 Străduieşte-te să vii înainte de iarnă! Eubulus, Pudens, Linus, Claudia şi toţi fraţii te salută. 22 Domnul să fie cu duhul tău! Harul să fie cu voi! (Amin.)[f]
Footnotes
- 2 Timotei 4:1 Împărăţia (lui Dumnezeu) reprezintă domnia lui Dumnezeu, fiind în acelaşi timp o realitate prezentă şi o nădejde în viitor; şi în v. 18
- 2 Timotei 4:6 Vezi Ex. 29:38-40
- 2 Timotei 4:10 Provincie romană (numită şi Iliria), situată în partea de E şi NE a M. Adriatice, în nordul provinciei Macedonia
- 2 Timotei 4:17 Fiind cetăţean roman, Pavel nu putea fi condamnat să fie aruncat la lei; aşadar, trebuie să fie un limbaj figurat
- 2 Timotei 4:19 În Faptele Apostolilor, Luca foloseşte diminutivul, Priscila, pe când Pavel foloseşte numele nediminutivat, Prisca
- 2 Timotei 4:22 Unele mss timpurii nu conţin acest cuvânt; este posibil ca scribii să fi adăugat mai târziu cuvântul amen la sfârşitul fiecărei cărţi, deoarece foarte multe mss greceşti încheie toate cărţile, mai puţin Faptele Apostolilor, Iacov şi 3 Ioan, cu acest cuvânt
2 Timoteo 4
Ang Biblia (1978)
4 (A)Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios, at ni Cristo Jesus, na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay, sa pamamagitan ng (B)kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian:
2 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, (C)sumaway ka, (D)mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo.
3 Sapagka't darating ang panahon (E)na hindi nila titiisin ang (F)magaling na aral; (G)kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita;
4 At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga (H)ibabaling sa katha.
5 Nguni't ikaw ay (I)magpigil sa lahat ng mga bagay, (J)magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa (K)ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio.
6 Sapagka't (L)ako'y iniaalay na, at ang panahon ng (M)aking pagpanaw ay dumating na.
7 (N)Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, (O)natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya:
8 Buhat ngayon ay natataan (P)sa akin (Q)ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom (R)sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita.
9 Magsikap kang pumarini na madali sa akin:
10 Sapagka't ako'y pinabayaan ni (S)Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si (T)Tito ay sa Dalmacia.
11 Si Lucas (U)lamang ang kasama ko. (V)Kaunin mo si Marcos, at ipagsama mo; sapagka't siya'y napapakinabangan ko sa ministerio.
12 Datapuwa't si (W)Tiquico ay sinugo ko sa Efeso.
13 Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo, at ang mga aklat, lalong lalo na ang mga pergamino.
14 Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan (X)ako ng lubhang masama: gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa:
15 Magingat ka rin naman sa kaniya; sapagka't totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita.
16 Sa aking unang (Y)pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat: huwag nawang ibilang sa kanila ito.
17 Datapuwa't (Z)ang Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap, at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil: at (AA)ako'y iniligtas sa bibig ng leon.
18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
19 Batiin mo (AB)si Prisca at si Aquila, at ang sangbahayan (AC)ni Onesiforo.
20 Si (AD)Erasto ay natira sa Corinto; datapuwa't si (AE)Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa (AF)Mileto.
21 (AG)Magsikap kang pumarini bago magtaginaw. Binabati ka ni Eubulo, at ni Pudente, at ni Lino, at ni Claudia, at ng lahat ng mga kapatid.
22 Ang Panginoon nawa'y (AH)sumainyong espiritu. Ang biyaya nawa'y sumainyo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Nouă Traducere În Limba Română (Holy Bible, New Romanian Translation) Copyright © 2006 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
