2 Tesalonica 1:3-5
Ang Biblia (1978)
3 Kami ay nararapat, mga kapatid, na (A)mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;
4 Ano pa't (B)kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa (C)mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya (D)sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;
5 Na isang tandang hayag (E)ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:
Read full chapter
2 Tesalonica 1:3-5
Ang Biblia, 2001
Pasasalamat
3 Dapat kaming laging magpasalamat sa Diyos, mga kapatid, dahil sa inyo, gaya ng nararapat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay lumalagong lubha, at ang pag-ibig ng bawat isa sa inyo para sa isa't isa ay nadaragdagan.
4 Anupa't ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga pag-uusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis.
Ang Paghatol sa Pagbabalik ni Cristo
5 Ito ay malinaw na katibayan ng matuwid na paghatol ng Diyos, upang kayo'y ariing karapat-dapat sa kaharian ng Diyos, na dahil dito'y nagdurusa kayo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978