Add parallel Print Page Options

10 Sinugo nga ni Toi (A)si Joram na kaniyang anak sa haring David, upang bumati sa kaniya, at upang purihin siya, sapagka't siya'y nakipagdigma laban kay Hadadezer at sinaktan niya siya: sapagka't si Hadadezer ay nagkaroon ng mga pakikipagbaka kay Toi. At nagdala si Joram ng mga sisidlang pilak, at mga sisidlang ginto, at mga sisidlang tanso:

11 Na itinalaga naman ni David sa Panginoon ang (B)mga ito, na kasama ng pilak at ng ginto na kaniyang itinalaga na mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang pinasuko;

12 Sa Siria, at sa Moab, at sa (C)mga anak ni Ammon, at sa mga (D)Filisteo, at sa (E)Amalec, at sa samsam kay Hadadezer na anak ni Rehob na hari sa Soba.

Read full chapter