2 Samuel 7:11-13
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
11 mula nang maglagay ako ng mga pinuno sa mga mamamayan kong Israelita. Magiging payapa ang paghahari mo at wala ng kalaban na sasalakay sa iyo. Ako, ang Panginoon, ay nagsasabi sa iyo na hindi mawawalan ng maghahari galing sa angkan mo. 12 Kapag namatay ka at ilibing kasama ng mga ninuno mo, ipapalit ko sa iyo ang isa sa mga anak mo, at patatatagin ko ang kaharian niya. 13 Siya ang magpapatayo ng templo para sa karangalan ng aking pangalan, at titiyakin ko na ang kanyang angkan ang maghahari magpakailanman.
Read full chapter
2 Samuel 7:11-13
Ang Biblia, 2001
11 mula sa araw na ako'y humirang ng mga hukom sa aking bayang Israel; at bibigyan kita ng kapahingahan sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay sinasabi sa iyo ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.
12 Kapag(A) ang iyong mga araw ay naganap na at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga ninuno, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong katawan, at aking itatatag ang kanyang kaharian.
13 Siya'y magtatayo ng bahay para sa aking pangalan, at aking itatatag ang trono ng kanyang kaharian magpakailanman.
Read full chapter
2 Samuel 7:11-13
Ang Biblia (1978)
11 (A)At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking (B)papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon (C)na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.
12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, (D)aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
13 (E)Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking (F)itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Read full chapter
2 Samuel 7:11-13
Ang Dating Biblia (1905)
11 At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.
12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
13 Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
Read full chapter
2 Samuel 7:11-13
New International Version
11 and have done ever since the time I appointed leaders[a](A) over my people Israel. I will also give you rest from all your enemies.(B)
“‘The Lord declares(C) to you that the Lord himself will establish(D) a house(E) for you: 12 When your days are over and you rest(F) with your ancestors, I will raise up your offspring to succeed you, your own flesh and blood,(G) and I will establish his kingdom.(H) 13 He is the one who will build a house(I) for my Name,(J) and I will establish the throne of his kingdom forever.(K)
Footnotes
- 2 Samuel 7:11 Traditionally judges
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

