2 Samuel 4
Ang Biblia, 2001
Pinatay si Isboset
4 Nang mabalitaan ni Isboset,[a] na anak ni Saul, na si Abner ay namatay sa Hebron, ang kanyang mga kamay ay nanghina, at ang lahat ng Israel ay nangamba.
2 Ang anak ni Saul ay may dalawang lalaki na mga punong-kawal ng mga pulutong na sumasalakay; ang pangalan ng isa ay Baana, at ang pangalan ng ikalawa ay Recab. Sila ay mga anak ni Rimon na Beerotita sa mga anak ni Benjamin (sapagkat ang Beerot ay ibinilang din sa Benjamin:
3 Ang mga Beerotita ay tumakas sa Gitaim, at nanirahan doon bilang mga banyaga hanggang sa araw na ito).
4 Si(A) Jonathan na anak ni Saul ay may isang anak na pilay ang mga paa. Siya'y limang taong gulang nang dumating ang balita tungkol kina Saul at Jonathan mula sa Jezreel. Kinuha siya ng kanyang yaya at tumakas at habang siya'y nagmamadali sa pagtakas, siya'y nahulog, at napilay. At ang kanyang pangalan ay Mefiboset.
5 At ang mga anak ni Rimon na Beerotita, na sina Recab at Baana, ay humayo at nang kainitan ang araw ay dumating sa bahay ni Isboset, habang siya ay nagpapahinga sa katanghaliang-tapat.
6 Sila ay pumasok sa bahay na parang kukuha ng trigo, at kanilang sinaksak siya sa tiyan. At sina Recab at Baana na kanyang kapatid ay tumakas.
7 Sila ay nakapasok sa bahay, habang siya'y nakahiga sa kanyang higaan sa kanyang silid. Kanilang sinalakay siya, pinatay, at pinugutan ng ulo. Kinuha nila ang kanyang ulo at umalis na tinahak ang Araba buong gabi.
8 Kanilang dinala ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron. Sinabi nila sa hari, “Narito ang ulo ni Isboset na anak ni Saul na iyong kaaway na nagtangka sa iyong buhay. Ipinaghiganti ng Panginoon ang aking panginoong hari sa araw na ito kay Saul, at sa kanyang binhi.”
9 Sinagot ni David si Recab at si Baana na kanyang kapatid, na mga anak ni Rimon na Beerotita, “Habang buháy ang Panginoon na siyang tumubos ng aking buhay mula sa bawat kaguluhan,
10 nang(B) sabihin sa akin ng isang tao, ‘Tingnan mo, si Saul ay patay na,’ na nag-aakalang nagdadala siya ng magandang balita, ay aking hinuli siya, at pinatay ko siya sa Siclag na siyang gantimpalang ibinigay ko sa kanya dahil sa kanyang balita.
11 Gaano pa kaya kung pinatay ng masasamang lalaki ang isang taong matuwid sa kanyang sariling bahay sa kanyang higaan, hindi ko ba hihingin ngayon ang kanyang dugo sa inyong kamay, at puksain kayo sa lupa?”
12 Inutusan ni David ang kanyang mga kabataang tauhan, at kanilang pinatay sila, pinutol ang kanilang mga kamay at mga paa, at ibinitin ang mga iyon sa tabi ng tipunan ng tubig sa Hebron. Ngunit kanilang kinuha ang ulo ni Isboset, at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.
Footnotes
- 2 Samuel 4:1 Sa Hebreo ay walang Isboset .
2 Samuel 4
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pinatay si Ishboshet
4 Nang marinig ni Ishboshet na anak ni Saul, na pinatay si Abner sa Hebron, pinagharian siya ng matinding takot pati na ang lahat ng mamamayan ng Israel. 2 May dalawang tauhan si Ishboshet na namumuno sa pagsalakay sa mga lungsod ng mga kalaban: sina Baana at Recab. Mga anak sila ni Rimon na taga-Beerot, mula sa lahi ni Benjamin. Ang Beerot ay sakop ngayon ng Benjamin 3 dahil tumakas ang mga unang naninirahan dito papuntang Gittaim. Hanggang ngayon, naninirahan pa rin sila roon bilang mga dayuhan.
4 (Ang isa pang anak ni Saul na si Jonatan ay may anak na nalumpo, si Mefiboset. Limang taong gulang ito nang dumating ang balitang napatay sina Saul at Jonatan sa labanan sa Jezreel. Nang marinig ng tagapag-alaga ni Mefiboset ang balita, binuhat niya ito at tumakas. Pero dahil sa pagmamadali, nabitawan niya ang bata at nalumpo.)
5 Isang araw, nagpunta sa bahay ni Ishboshet sina Recab at Baana na mga anak ni Rimon na taga-Beerot. Tanghaling-tapat nang dumating sila habang nagpapahinga si Ishboshet. 6-7 Pumasok sila sa bahay na kunwariʼy kukuha ng trigo. Dumiretso sila sa kwarto ni Ishboshet kung saan nakahiga ito sa kama niya at pagkatapos, sinaksak nila ito sa tiyan. Pinutol nila ang ulo ni Ishboshet at dinala nila ito sa kanilang pagtakas. Buong gabi silang naglakbay sa Lambak ng Jordan.[a]
8 Pagdating nila sa Hebron, dinala nila kay David ang ulo ni Ishboshet at sinabi, “Narito po ang ulo ni Ishboshet ang anak ni Saul na kalaban nʼyo, na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti kayo ng Panginoon laban kay Saul at sa angkan niya.” 9 Sumagot si David, “Sasabihin ko sa inyo ang totoo sa presensya ng Panginoon na buhay, na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. 10 Noon ay may taong pumunta sa akin sa Ziklag at sinabing patay na si Saul, akala niyaʼy magandang balita ang dala niya sa akin. Sa halip, ipinadakip ko siya at ipinapatay. Iyon ang gantimpalang ibinigay ko sa balitang inihatid niya sa akin. 11 Ngayon, anong gantimpala ang ibibigay ko sa masasamang taong gaya nʼyo na pumatay ng isang inosenteng tao sa sarili nitong tahanan at sa sarili niyang higaan? Hindi baʼt nararapat na patayin ko kayo para mawala na kayo sa mundo?”
12 Kaya iniutos ni David sa mga tauhan niya na patayin sina Recab at Baana, at sinunod nila ito. Pinutol nila ang mga kamay at paa ng magkapatid, at ibinitin ang kanilang katawan malapit sa Imbakan ng Tubig ng Hebron. Pagkatapos, kinuha nila ang ulo ni Ishboshet, at inilibing sa libingan ni Abner sa Hebron.
Footnotes
- 4:6-7 Lambak ng Jordan: sa Hebreo, Araba.
2 Samuel 4
New International Version
Ish-Bosheth Murdered
4 When Ish-Bosheth son of Saul heard that Abner(A) had died in Hebron, he lost courage, and all Israel became alarmed. 2 Now Saul’s son had two men who were leaders of raiding bands. One was named Baanah and the other Rekab; they were sons of Rimmon the Beerothite from the tribe of Benjamin—Beeroth(B) is considered part of Benjamin, 3 because the people of Beeroth fled to Gittaim(C) and have resided there as foreigners to this day.
4 (Jonathan(D) son of Saul had a son who was lame in both feet. He was five years old when the news(E) about Saul and Jonathan came from Jezreel. His nurse picked him up and fled, but as she hurried to leave, he fell and became disabled.(F) His name was Mephibosheth.)(G)
5 Now Rekab and Baanah, the sons of Rimmon the Beerothite, set out for the house of Ish-Bosheth,(H) and they arrived there in the heat of the day while he was taking his noonday rest.(I) 6 They went into the inner part of the house as if to get some wheat, and they stabbed(J) him in the stomach. Then Rekab and his brother Baanah slipped away.
7 They had gone into the house while he was lying on the bed in his bedroom. After they stabbed and killed him, they cut off his head. Taking it with them, they traveled all night by way of the Arabah.(K) 8 They brought the head(L) of Ish-Bosheth to David at Hebron and said to the king, “Here is the head of Ish-Bosheth son of Saul,(M) your enemy, who tried to kill you. This day the Lord has avenged(N) my lord the king against Saul and his offspring.”
9 David answered Rekab and his brother Baanah, the sons of Rimmon the Beerothite, “As surely as the Lord lives, who has delivered(O) me out of every trouble, 10 when someone told me, ‘Saul is dead,’ and thought he was bringing good news, I seized him and put him to death in Ziklag.(P) That was the reward I gave him for his news! 11 How much more—when wicked men have killed an innocent man in his own house and on his own bed—should I not now demand his blood(Q) from your hand and rid the earth of you!”
12 So David gave an order to his men, and they killed them.(R) They cut off their hands and feet and hung the bodies by the pool in Hebron. But they took the head of Ish-Bosheth and buried it in Abner’s tomb at Hebron.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

