Add parallel Print Page Options

Hindi sila namalayang pumasok sapagkat ang babaing bantay-pinto ay nakatulog dahil sa pagod sa paglilinis ng trigo.[a] Kaya't tuluy-tuloy sila sa silid ni Isboset at pinatay nila habang ito'y natutulog. Pinutol nila ang kanyang ulo saka sila tumakas. Magdamag silang naglakbay sa lupain ng Araba patungo sa Hebron. Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David at ang sabi rito, “Narito ang ulo ng anak ni Saul, ang nagtangka sa iyong buhay. Ipinaghiganti ngayon ni Yahweh ang inyong kadakilaan!”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 Ang talatang 6 ay mula sa isang matandang salin; sa tekstong Hebreo ay Pumasok sila sa loob ng bahay dala-dala ang trigo, at sinaksak siya sa tiyan. Pagkatapos, si Recab at Baana ay tumakas .