2 Samuel 3:9-11
Ang Biblia (1978)
9 (A)Hatulan ng Dios si Abner, at lalo na, malibang gawin kong gayon sa kaniya, na (B)gaya ng isinumpa ng Panginoon kay David;
10 Na ilipat ang kaharian mula sa sangbahayan ni Saul, at itatag ang luklukan ni David sa Israel, at sa Juda (C)mula sa Dan hanggang sa Beer-seba.
11 At hindi siya nakasagot kay Abner ng isang salita, sapagka't siya'y natakot sa kaniya.
Read full chapter
2 Samuel 3:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
9 Kung ganyan din lang, mabuti pang tulungan ko na lang si David na matupad ang ipinangako ng Panginoon sa kanya, at parusahan sana ako nang matindi ng Dios kapag hindi ko siya tinulungan. 10 Ipinangako ng Panginoon na hindi na niya paghahariin ang sinumang kalahi ni Saul kundi si David ang paghahariin niya sa Israel at Juda, mula Dan hanggang sa Beersheba.”[a] 11 Hindi na nangahas pang magsalita si Ishboshet dahil natatakot siya kay Abner.
Read full chapterFootnotes
- 3:10 mula Dan … Beersheba: Ang ibig sabihin, sa buong Israel.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®