2 Samuel 24
Ang Biblia (1978)
Ang bayan ay binilang.
24 (A)At ang galit ng Panginoon ay nagalab (B)uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda.
2 At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo, na kasama niya, Magparoo't parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel, (C)mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at bilangin ninyo ang bayan, upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan.
3 At sinabi ni Joab sa hari, Ngayo'y dagdagan ng (D)Panginoon mong Dios ang bayan, sa gaano man karami sila, ng makaisang daan pa; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari: nguni't bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito?
4 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab, at laban sa mga puno ng hukbo. At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel.
5 At sila'y nagsitawid ng Jordan, at nagsihantong sa (E)Aroer sa dakong kanan ng bayan na nasa gitna ng libis ng Gad, at sa Jazer:
6 Saka sila nagsiparoon sa Galaad, at sa lupain ng Tatimhodsi; at sila'y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon.
7 At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro, at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo, at ng mga Cananeo; at sila'y nagsilabas sa timugan ng Juda, sa Beer-seba.
8 Sa gayon nang sila'y makapagparoo't parito na, sa buong lupain, ay nagsiparoon sila sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawang pung araw.
9 At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan; (F)at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake.
10 At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan. At sinabi ni David sa Panginoon, (G)Ako'y nagkasala ng malaki sa aking nagawa: nguni't ngayo'y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod; sapagka't aking ginawa (H)ng buong kamangmangan.
11 At nang bumangon si David sa kinaumagahan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta (I)Gad na (J)tagakita ni David, na sinasabi,
12 Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo.
13 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, (K)Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin.
14 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; (L)sapagka't ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
Ang salot ay sinugo.
15 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon: at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake.
16 At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi (M)ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi (N)sa anghel na (O)lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni (P)Arauna na Jebuseo.
17 At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama.
Si David ay nagtayo ng dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna.
18 At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo.
19 At si David ay umahon ayon sa sinabi ni Gad, kung paanong iniutos ng Panginoon.
20 At tumanaw si Arauna, at nakita ang hari, at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari.
21 At sinabi ni Arauna: Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod? (Q)At sinabi ni David, Upang bilhin ang giikan sa iyo, na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon, upang ang salot ay (R)magtigil sa bayan.
22 At sinabi ni Arauna kay David, Kunin ng aking panginoon na hari, at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti: (S)narito, ang mga baka na panghandog na susunugin, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy:
23 Ang lahat na ito, Oh hari, ibinibigay ni Arauna sa hari. At sinabi ni Arauna sa hari, Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Dios.
24 At sinabi ng hari kay Arauna, Huwag; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga: hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman. (T)Sa gayo'y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak.
25 At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. (U)Sa gayo'y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain, at ang salot ay tumigil sa Israel.
2 Samuel 24
Ang Dating Biblia (1905)
24 At ang galit ng Panginoon ay nagalab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda.
2 At sinabi ng hari kay Joab na puno ng hukbo, na kasama niya, Magparoo't parito ka nga sa lahat ng mga lipi ng Israel, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, at bilangin ninyo ang bayan, upang aking maalaman ang kabuoan ng bayan.
3 At sinabi ni Joab sa hari, Ngayo'y dagdagan ng Panginoon mong Dios ang bayan, sa gaano man karami sila, ng makaisang daan pa; at makita ng mga mata ng aking panginoon na hari: nguni't bakit nalulugod ang panginoon ko na hari sa bagay na ito?
4 Gayon ma'y ang salita ng hari ay nanaig laban kay Joab, at laban sa mga puno ng hukbo. At si Joab at ang mga puno ng hukbo ay nagsilabas mula sa harapan ng hari upang bilangin ang bayan ng Israel.
5 At sila'y nagsitawid ng Jordan, at nagsihantong sa Aroer sa dakong kanan ng bayan na nasa gitna ng libis ng Gad, at sa Jazer:
6 Saka sila nagsiparoon sa Galaad, at sa lupain ng Tatimhodsi; at sila'y nagsidating sa Dan-jaan at sa palibot hanggang sa Sidon.
7 At nagsiparoon sa katibayan ng Tiro, at sa lahat ng mga bayan ng mga Heveo, at ng mga Cananeo; at sila'y nagsilabas sa timugan ng Juda, sa Beer-seba.
8 Sa gayon nang sila'y makapagparoo't parito na, sa buong lupain, ay nagsiparoon sila sa Jerusalem sa katapusan ng siyam na buwan at dalawang pung araw.
9 At ibinigay ni Joab sa hari ang bilang ng pagkabilang sa bayan; at mayroon sa Israel na walong daang libo na matapang na lalake na nagsisihawak ng tabak; at ang mga tao sa Juda ay limang daang libong lalake.
10 At ang puso ni David ay sinaktan niya pagkatapos na kaniyang nabilang ang bayan. At sinabi ni David sa Panginoon, Ako'y nagkasala ng malaki sa aking nagawa: nguni't ngayo'y isinasamo ko sa iyo na iyong pawiin ang kasamaan ng iyong lingkod; sapagka't aking ginawa ng buong kamangmangan.
11 At nang bumangon si David sa kinaumagahan, ang salita ng Panginoon ay dumating sa propeta Gad na tagakita ni David, na sinasabi,
12 Ikaw ay yumaon at salitain mo kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon, Pinagpapalagayan kita ng tatlong bagay; pumili ka ng isa sa mga yaon upang aking magawa sa iyo.
13 Sa gayo'y naparoon si Gad kay David, at nagsaysay sa kaniya: at nagsabi sa kaniya, Darating ba sa iyo ang pitong taon na kagutom sa iyong lupain? o tatakas ka bang tatlong buwan sa harap ng iyong mga kaaway samantalang hinahabol ka nila? o magkakaroon ba ng tatlong araw na pagkasalot sa iyong lupain? ngayo'y muniin mo, at dilidilihin mo kung anong kasagutan ang aking ibabalik doon sa nagsugo sa akin.
14 At sinabi ni David kay Gad, Ako'y nasa totoong kagipitan: mahulog tayo ngayon sa kamay ng Panginoon; sapagka't ang kaniyang mga kaawaan ay dakila: at huwag akong mahulog sa kamay ng tao.
15 Sa gayo'y nagsugo ang Panginoon ng salot sa Israel mula sa umaga hanggang sa takdang panahon: at namatay sa bayan mula sa Dan hanggang sa Beer-seba ay pitong pung libong lalake.
16 At nang iunat ng anghel ang kaniyang kamay sa dakong Jerusalem upang gibain ay nagsisi ang Panginoon sa kasamaan, at sinabi sa anghel na lumipol ng bayan, Siya na; ngayo'y itigil mo ang iyong kamay. At ang anghel ng Panginoon ay nasa giikan ni Arauna na Jebuseo.
17 At nagsalita si David sa Panginoon, nang kaniyang makita ang anghel na sumakit sa bayan, at nagsabi, Narito, ako'y nagkasala, at ako'y gumawa ng kalikuan; nguni't ang mga tupang ito, ano ang ginawa? isinasamo ko sa iyo na ang iyong kamay ay maging laban sa akin, at laban sa sangbahayan ng aking ama.
18 At si Gad ay naparoon sa araw na yaon kay David, at nagsabi sa kaniya, Ikaw ay yumaon, magtayo ka ng isang dambana sa Panginoon sa giikan ni Arauna na Jebuseo.
19 At si David ay umahon ayon sa sinabi ni Gad, kung paanong iniutos ng Panginoon.
20 At tumanaw si Arauna, at nakita ang hari, at ang kaniyang mga lingkod na nagsisilapit sa kaniya; at si Arauna ay lumabas at nagpatirapa sa harap ng hari.
21 At sinabi ni Arauna: Bakit ang aking panginoon na hari ay naparito sa kaniyang lingkod? At sinabi ni David, Upang bilhin ang giikan sa iyo, na mapagtayuan ng isang dambana sa Panginoon, upang ang salot ay magtigil sa bayan.
22 At sinabi ni Arauna kay David, Kunin ng aking panginoon na hari, at ihandog kung ano ang inaakala niyang mabuti: narito, ang mga baka na panghandog na susunugin, at ang mga kagamitan sa giikan at ang mga pamatok ng mga baka na pang kahoy:
23 Ang lahat na ito, Oh hari, ibinibigay ni Arauna sa hari. At sinabi ni Arauna sa hari, Tanggapin ka nawa ng Panginoon mong Dios.
24 At sinabi ng hari kay Arauna, Huwag; kundi katotohanang bibilhin ko sa iyo sa halaga: hindi nga ako maghahandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon kong Dios na hindi nagkahalaga sa akin ng anoman. Sa gayo'y binili ni David ang giikan at ang mga baka ng limang pung siklong pilak.
25 At nagtayo roon si David ng isang dambana sa Panginoon, at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan. Sa gayo'y nadalanginan ang Panginoon dahil sa lupain, at ang salot ay tumigil sa Israel.
2 Samuel 24
English Standard Version
David's Census
24 (A)(B)Again the anger of the Lord was kindled against Israel, and he incited David against them, saying, (C)“Go, number Israel and Judah.” 2 So the king said to Joab, the commander of the army,[a] who was with him, “Go through all the tribes of Israel, (D)from Dan to Beersheba, and number the people, that I may know the number of the people.” 3 But Joab said to the king, (E)“May the Lord your God add to the people a hundred times as many as they are, while the eyes of my lord the king still see it, but why does my lord the king delight in this thing?” 4 But the king's word prevailed against Joab and the commanders of the army. So Joab and the commanders of the army went out from the presence of the king to number the people of Israel. 5 They crossed the Jordan and began from (F)Aroer,[b] and from the city that is in the middle of the (G)valley, toward Gad and on to (H)Jazer. 6 Then they came to Gilead, and to Kadesh in the land of the Hittites;[c] and they came to Dan, and from Dan[d] they went around to (I)Sidon, 7 and came to the fortress of Tyre and to all the cities of the (J)Hivites and (K)Canaanites; and they went out to the Negeb of Judah at Beersheba. 8 So when they had gone through all the land, they came to Jerusalem at the end of nine months and twenty days. 9 And Joab gave the sum of the numbering of the people to the king: in Israel there were 800,000 valiant men (L)who drew the sword, and the men of Judah were 500,000.
The Lord's Judgment of David's Sin
10 But (M)David's heart struck him after he had numbered the people. And David said to the Lord, (N)“I have sinned greatly in what I have done. But now, O Lord, please take away the iniquity of your servant, for I have done (O)very foolishly.” 11 And when David arose in the morning, the word of the Lord came to (P)the prophet Gad, David's (Q)seer, saying, 12 “Go and say to David, ‘Thus says the Lord, Three things I offer[e] you. Choose one of them, that I may do it to you.’” 13 So Gad came to David and told him, and said to him, “Shall (R)three[f] years of famine come to you in your land? Or will you flee three months before your foes while they pursue you? Or shall there be three days' pestilence in your land? Now consider, and decide what answer I shall return to him who sent me.” 14 Then David said to Gad, “I am in great distress. Let us fall into the hand of the Lord, (S)for his mercy is great; but let me not fall into the hand of man.”
15 (T)So the Lord sent a pestilence on Israel from the morning until the appointed time. And there died of the people from (U)Dan to Beersheba 70,000 men. 16 And when (V)the angel stretched out his hand toward Jerusalem (W)to destroy it, (X)the Lord relented from the calamity and said to the angel (Y)who was working destruction among the people, “It is enough; now stay your hand.” And (Z)the angel of the Lord was by the threshing floor of (AA)Araunah the Jebusite. 17 Then David spoke to the Lord when he saw the angel who was striking the people, and said, “Behold, I have sinned, and I have done wickedly. But these sheep, what have they done? Please let your hand be against me and against my father's house.”
David Builds an Altar
18 And Gad came that day to David and said to him, “Go up, raise an altar to the Lord on the threshing floor of (AB)Araunah the Jebusite.” 19 So David went up at Gad's word, as the Lord commanded. 20 And when Araunah looked down, he saw the king and his servants coming on toward him. And Araunah went out and paid homage to the king with his face to the ground. 21 And Araunah said, “Why has my lord the king come to his servant?” David said, “To buy the threshing floor from you, in order to build an altar to the Lord, that the plague (AC)may be averted from the people.” 22 Then Araunah said to David, “Let my lord the king take and offer up what seems good to him. Here are the oxen for the burnt offering and the (AD)threshing sledges and the yokes of the oxen for the wood. 23 All this, O king, Araunah gives to the king.” And Araunah said to the king, “May the Lord your God (AE)accept you.” 24 But the king said to Araunah, “No, but I will buy it from you for a price. I will not offer burnt offerings to the Lord my God that cost me nothing.” So David bought the threshing floor and the oxen for fifty shekels[g] of silver. 25 And David built there an altar to the Lord and offered burnt offerings and peace offerings. (AF)So the Lord responded to the plea for the land, and the plague was averted from Israel.
Footnotes
- 2 Samuel 24:2 Septuagint to Joab and the commanders of the army
- 2 Samuel 24:5 Septuagint; Hebrew encamped in Aroer
- 2 Samuel 24:6 Septuagint; Hebrew to the land of Tahtim-hodshi
- 2 Samuel 24:6 Septuagint; Hebrew they came to Dan-jaan and
- 2 Samuel 24:12 Or hold over
- 2 Samuel 24:13 Compare 1 Chronicles 21:12, Septuagint; Hebrew seven
- 2 Samuel 24:24 A shekel was about 2/5 ounce or 11 grams
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.

