Add parallel Print Page Options

Awit ng pagpupuri ni David.

22 At sinalita ni (A)David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.

(B)At kaniyang sinabi,
Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;
Ang Dios, ang (C)aking malaking bato, na sa (D)kaniya ako'y manganganlong:
Aking (E)kalasag, at siyang (F)sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at (G)ampunan sa akin;
Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.
Ako'y tatawag sa Panginoon na (H)karapatdapat purihin:
Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.
Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin;
Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.
Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin:
Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.
Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon;
Oo, ako'y tumawag sa aking Dios:
At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo,
At ang aking daing (I)ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.
(J)Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig.
(K)Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos.
At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.
Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong,
At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok:
Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.
10 (L)Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba:
(M)At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.
11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad:
Oo, siya'y nakita (N)sa mga pakpak ng hangin.
12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga (O)kulandong sa palibot niya.
Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.
13 Sa kaningningan sa harap niya
Mga bagang apoy ay nagsipagalab.
14 (P)Ang Panginoo'y kumulog sa langit,
At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.
15 (Q)At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila;
Kumidlat, at (R)nangatulig sila.
16 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw,
Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita.
Dahil sa saway ng Panginoon,
Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.
17 (S)Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako;
(T)kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;
18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway,
Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.
19 (U)Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko:
Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.
20 (V)Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako:
Kaniyang iniligtas ako, (W)sapagka't kaniyang kinalugdan ako.
21 (X)Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran:
Ayon sa (Y)kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.
22 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon,
At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.
23 Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay (Z)nasa harap ko:
At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.
24 Ako rin nama'y sakdal sa harap niya,
At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.
25 Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran;
Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.
26 (AA)Sa maawain ay magpapakamaawain ka;
Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;
27 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka;
At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.
28 At ang (AB)nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas:
Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.
29 Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon:
At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.
30 Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong:
Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.
31 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal;
(AC)Ang salita ng Panginoon ay subok;
(AD)Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.
32 (AE)Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon?
At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?
33 Ang Dios ay aking matibay na katibayan:
At pinapatnubayan (AF)niya ang sakdal sa kaniyang lakad.
34 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa;
At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.
35 (AG)Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma.
Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.
36 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas:
At pinadakila ako ng iyong kaamuan.
37 (AH)Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko,
At ang aking mga paa ay hindi nadulas.
38 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay;
Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.
39 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon:
Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.
40 Sapagka't (AI)ako'y binigkisan mo
ng kalakasan sa pagbabaka:
Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.
41 (AJ)Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway,
Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.
42 Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas:
(AK)Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.
43 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa;
Aking pinagyurakan sila na gaya ng (AL)putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.
44 (AM)Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan:
Iningatan mo ako na maging (AN)pangulo sa mga bansa;
Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.
45 (AO)Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin.
Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.
46 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay,
At magsisilabas na nanganginginig (AP)sa kanilang mga kublihan.
47 Ang Panginoon ay buháy; at purihin nawa ang aking malaking bato;
At itanghal nawa ang Dios na malaking bato (AQ)ng aking kaligtasan,
48 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako.
At pinangangayupapa sa akin (AR)ang mga bayan,
49 At inilalabas ako sa aking mga kaaway:
Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin:
Inililigtas mo ako sa (AS)marahas na lalake.
50 (AT)Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa,
At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.
51 (AU)Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari:
At nagmamagandang loob sa kaniyang (AV)pinahiran ng langis,
Kay David (AW)at sa kaniyang binhi magpakailan man.

22 At sinalita ni David ang mga salita ng awit na ito sa Panginoon nang araw na iligtas ng Panginoon siya sa kamay ng lahat ng kaniyang mga kaaway, at sa kamay ni Saul.

At kaniyang sinabi, Ang Panginoo'y aking malaking bato at aking katibayan, at tagapagligtas sa akin, sa makatuwid baga'y akin;

Ang Dios, ang aking malaking bato, na sa kaniya ako'y manganganlong: Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog at ampunan sa akin; Tagapagligtas sa akin, ikaw ang nagliligtas sa akin sa karahasan.

Ako'y tatawag sa Panginoon na karapatdapat purihin: Sa ganya'y maliligtas ako sa aking mga kaaway.

Sapagka't ang mga alon ng kamatayan ay kumulong sa akin; Ang mga baha ng kalikuan ay tumakot sa akin.

Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin.

Sa aking pagkahapis ay tumawag ako sa Panginoon; Oo, ako'y tumawag sa aking Dios: At kaniyang dininig ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing ay sumapit sa kaniyang mga pakinig.

Nang magkagayo'y umuga ang lupa at nayanig. Ang mga pinagtitibayan ng langit ay nangakilos. At nangauga, sapagka't siya'y nagalit.

Umilanglang ang usok mula sa kaniyang mga butas ng ilong, At apoy na mula sa kaniyang bibig ay nanupok: Mga baga ay nagalab sa pamamagitan niyaon.

10 Kaniyang pinayukod din naman ang langit at bumaba: At salimuot na kadiliman ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa.

11 At siya'y sumakay sa isang querubin at lumipad: Oo, siya'y nakita sa mga pakpak ng hangin.

12 At ang kadiliman ay kaniyang ginawang mga kulandong sa palibot niya. Na nagpisan ng tubig, ng masisinsing alapaap sa langit.

13 Sa kaningningan sa harap niya Mga bagang apoy ay nagsipagalab.

14 Ang Panginoo'y kumulog sa langit, At ang Kataastaasan ay nagbigkas ng tinig niya.

15 At nagpahilagpos ng mga palaso, at pinangalat niya sila; Kumidlat, at nangatulig sila.

16 Nang magkagayo'y ang mga kalaliman sa dagat ay nangalitaw, Ang mga pinagtibayan ng sanglibutan ay nangakita. Dahil sa saway ng Panginoon, Sa hihip ng hinga ng kaniyang mga butas ng ilong.

17 Siya'y nagsugo mula sa itaas, kaniyang kinuha ako; kaniyang kinuha ako sa maraming tubig;

18 Kaniyang iniligtas ako sa aking malakas na kaaway, Sa nangagtatanim sa akin; sapagka't sila'y totoong malakas kay sa akin.

19 Sila'y nagsidating sa akin sa kaarawan ng sakuna ko: Nguni't ang Panginoon ay siyang alalay sa akin.

20 Kaniyang dinala din ako sa maluwang na dako: Kaniyang iniligtas ako, sapagka't kaniyang kinalugdan ako.

21 Ginanti ako ng Panginoon ayon sa aking katuwiran: Ayon sa kalinisan ng aking mga kamay ay kaniyang ginanti ako.

22 Sapagka't aking iningatan ang mga daan ng Panginoon, At hindi ako humiwalay na may kasamaan sa aking Dios.

23 Sapagka't ang lahat niyang kahatulan ay nasa harap ko: At tungkol sa kaniyang mga palatuntunan ay hindi ko hiniwalayan.

24 Ako rin nama'y sakdal sa harap niya, At iningatan ko ang aking sarili mula sa kasamaan.

25 Kaya't ginanti ng Panginoon ako ayon sa aking katuwiran; Ayon sa aking kalinisan sa kaniyang paningin.

26 Sa maawain ay magpapakamaawain ka; Sa sakdal ay magpapakasakdal ka;

27 Sa dalisay ay magpapakadalisay ka; At sa mga walang payo ay magwawalang payo ka.

28 At ang nagdadalamhating bayan ay iyong ililigtas: Nguni't ang iyong mga mata ay nasa mga mapagmataas, upang iyong papagpakumbabain.

29 Sapagka't ikaw ang aking ilawan, Oh Panginoon: At liliwanagan ng Panginoon ang aking kadiliman.

30 Sapagka't sa pamamagitan mo ay aking tatakbuhin ang pulutong: Sa pamamagitan ng aking Dios ay aking luluksuhin ang kuta.

31 Tungkol sa Dios, ang kaniyang lakad ay sakdal; Ang salita ng Panginoon ay subok; Siya'y kalasag sa lahat ng sa kaniya'y kumakanlong.

32 Sapagka't sino ang Dios, liban sa Panginoon? At sino ang malaking bato liban sa ating Dios?

33 Ang Dios ay aking matibay na katibayan: At pinapatnubayan niya ang sakdal sa kaniyang lakad.

34 Kaniyang ginagawa ang mga paa niya na gaya ng sa mga usa; At inilalagay niya ako sa aking matataas na dako.

35 Kaniyang tinuturuan ang aking mga kamay ng pakikidigma. Na anopa't binabaluktok ng aking mga kamay ang busog na tanso.

36 Binigyan mo rin ako ng kalasag mong pangligtas: At pinadakila ako ng iyong kaamuan.

37 Iyong pinalaki ang aking mga hakbang sa tinutungtungan ko, At ang aking mga paa ay hindi nadulas.

38 Aking hinabol ang aking mga kaaway at akin silang pinapagpapatay; Ni hindi ako bumalik uli hanggang sa sila'y nalipol.

39 At aking pinaglilipol, at aking pinagsasaktan sila, na anopa't sila'y hindi nangakabangon: Oo, sila'y nangabuwal sa paanan ko.

40 Sapagka't ako'y binigkisan mo ng kalakasan sa pagbabaka: Iyong pinasuko sa akin yaong nagsisibangon laban sa akin.

41 Iyo ring pinatalikod sa akin ang aking mga kaaway, Upang aking mangaihiwalay ang nangagtatanim sa akin.

42 Sila'y nagsitingin, nguni't walang mangagligtas: Sa Panginoon, nguni't hindi niya sinagot sila.

43 Nang magkagayo'y pinagbabayo ko sila na gaya ng alabok sa lupa; Aking pinagyurakan sila na gaya ng putik sa mga lansangan, at akin silang pinapangalat.

44 Iniligtas mo rin ako sa mga pakikipagtalo sa aking bayan: Iningatan mo ako na maging pangulo sa mga bansa; Ang bayan na hindi ko nakilala ay maglilingkod sa akin.

45 Ang mga taga ibang lupa ay magsisisuko sa akin. Pagkarinig nila tungkol sa akin, sila'y magsisitalima sa akin.

46 Ang mga taga ibang lupa ay manganglulupaypay, At magsisilabas na nanganginginig sa kanilang mga kublihan.

47 Ang Panginoon ay buhay; at purihin nawa ang aking malaking bato; At itanghal nawa ang Dios na malaking bato ng aking kaligtasan,

48 Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako. At pinangangayupapa sa akin ang mga bayan,

49 At inilalabas ako sa aking mga kaaway: Oo, iyong pinapangingibabaw ako sa kanila na nagsisibangon laban sa akin: Inililigtas mo ako sa marahas na lalake.

50 Kaya't pasasalamat ako sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpuri sa iyong pangalan.

51 Dakilang pagliligtas ang ibinibigay niya sa kaniyang hari: At nagmamagandang loob sa kaniyang pinahiran ng langis, Kay David at sa kaniyang binhi magpakailan man.

Ang Awit ng Tagumpay ni David

(Salmo 18)

22 Umawit si David sa Panginoon nang iligtas siya ng Panginoon sa kamay ng mga kalaban niya at kay Saul. Ito ang awit niya:

    Panginoon, kayo ang aking matibay na bato na kanlungan at pananggalang.
    Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin.
    Bilang kanlungan na bato, makakapagtago ako sa inyo.
Sa inyo ako tumatakbo at kumakanlong.
    Inililigtas nʼyo ako sa mararahas na tao.
Karapat-dapat kayong purihin Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
Tulad ng mga alon, ang kamatayan ay nakapalibot sa akin.
    Ang mga pinsalaʼy tulad ng malakas na agos na tumatangay sa akin.
Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan.
Sa aking kahirapan, humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon na aking Dios,
    at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko roon sa inyong templo.
Lumindol, at ang pundasyon ng kalangitan ay nayanig,
    dahil nagalit kayo, Panginoon.
Umusok din ang inyong ilong,
    at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.
10 Binuksan nʼyo ang langit at kayoʼy bumaba,
    at tumuntong sa maitim at makapal na ulap.
11 Kayoʼy sumakay sa isang kerubin,
    at mabilis na lumipad na dala ng hangin.
12 Pinalibutan mo ang iyong sarili ng kadiliman, ng madilim at makapal na ulap.
13 Kumidlat mula sa inyong kinaroroonan,
    at mula rooʼy bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.
14 Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Dios na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.
15 Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban
    at nataranta silang nagsitakas.
16 Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito,
    pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.
17 At mula sa langit akoʼy inabot nʼyo
    at inahon mula sa malalim na tubig.
18 Iniligtas nʼyo ako sa kapangyarihan ng aking mga kalaban na hindi ko kayang labanan.
19 Sinalakay nila ako sa oras ng aking kagipitan.
    Ngunit sinaklolohan nʼyo ako, Panginoon.
20 Dinala nʼyo ako sa lugar na walang kapahamakan dahil nalulugod kayo sa akin.
21 Pinagpala nʼyo ako dahil akoʼy namumuhay sa katuwiran.
    Sa kalinisan ng aking kamay akoʼy inyong ginantimpalaan.
22 Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban,
    at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Dios.
23 Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos.
    Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.
24 Alam nʼyong namumuhay ako ng walang kapintasan,
    at iniiwasan ko ang kasamaan.
25 Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan,
    dahil nakita nʼyong wala akong ginagawang kasalanan.
26 Tapat kayo sa mga tapat sa inyo,
    at mabuti kayo sa mabubuting tao.
27 Tapat kayo sa mga taong totoo sa inyo,
    ngunit mas tuso kayo sa mga taong masama.
28 Inililigtas nʼyo ang mga mapagpakumbaba,
    ngunit ibinababa nʼyo ang mga mapagmataas.
29 Panginoon, kayo ang aking liwanag
    Sa kadiliman kayo ang aking ilaw.
30 Sa tulong nʼyo, kaya kong salakayin ang grupo ng mga sundalo,
    at kaya kong akyatin ang pader ng kanilang tanggulan.
31 Ang pamamaraan nʼyo, O Dios ay walang kamalian.
    Ang inyong mga salita ay maaasahan.
    Kayoʼy katulad ng isang kalasag sa mga naghahanap ng kaligtasan sa inyo.
32 Kayo lang, Panginoon, ang tunay na Dios, at wala nang iba.
    At kayo lang talaga ang aming batong kanlungan.
33 Kayo ang nagbibigay sa akin ng kalakasan,[a]
    at nagbabantay sa aking daraanan.
34 Pinatatatag nʼyo ang aking paa tulad ng paa ng usa,
    upang maging ligtas ang pag-akyat ko sa matataas na lugar.
35 Sinasanay nʼyo ako sa pakikipaglaban, tulad ng pagbanat ng matibay na pana.
36 Ang katulad nʼyo ay kalasag na nag-iingat sa akin,
    at sa pamamagitan ng inyong tulong ay naging kilala ako.
37 Pinaluwang nʼyo ang aking dadaanan,
    kaya hindi ako natitisod.
38 Hinabol ko ang aking mga kalaban at inabutan ko sila,
    at hindi ako tumigil hanggang sa naubos ko sila.
39 Hinampas ko sila hanggang sa magsibagsak,
    at hindi na makabangon sa aking paanan.
40 Binigyan nʼyo ako ng lakas sa pakikipaglaban,
    kaya natalo ko ang aking mga kalaban.
41 Dahil sa inyo, umatras ang aking mga kaaway na may galit sa akin,
    at silaʼy pinatay ko.
42 Humingi sila ng tulong, ngunit walang sinumang tumulong.
    Tumawag din sila sa inyo Panginoon, ngunit kayoʼy hindi tumugon.
43 Dinurog ko sila hanggang sa naging parang alikabok na lamang na inililipad ng hangin,
    at tinatapak-tapakan na parang putik sa kalsada.
44 Iniligtas nʼyo ako Panginoon sa mga rebelde kong mamamayan.
    Ginawa nʼyo akong pinuno ng mga bansa.
    Ang mga taga-ibang lugar ay sumusunod sa akin.
45 Yumuyukod sila sa akin nang may takot at sinusunod ang aking mga utos.
46 Nawawalan sila ng lakas ng loob,
    kaya lumalabas sila sa kanilang pinagtataguan na nanginginig sa takot.
47 Buhay kayo, Panginoon!
    Karapat-dapat kayong purihin at dakilain,
    O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas!
48 Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway,
    at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan.
49 Inilalayo nʼyo ako sa mararahas kong kalaban,
    at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila.
50 Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa, O Panginoon.
    Aawitan ko kayo ng mga papuri.
51 Sa hinirang nʼyong hari ay nagbigay kayo ng maraming tagumpay.
    Ang inyong pagmamahal ay ipinadama nʼyo kay David at sa kanyang lahi magpakailanman.”

Footnotes

  1. 22:33 Kayo … kalakasan: Itoʼy ayon sa Dead Sea Scrolls, Latin Vulgate, Syriac at sa ibang tekstong Septuagint. Sa Hebreo, Ikaw ang matatag na lugar na aking kanlungan.

22 David spoke to the Lord the words of this song on the day when the Lord delivered him from the hands of all his enemies and from the hand of Saul.

He said: The Lord is my Rock [of escape from Saul] and my Fortress [in the wilderness] and my Deliverer;(A)

My God, my Rock, in Him will I take refuge; my Shield and the Horn of my salvation; my Stronghold and my Refuge, my Savior—You save me from violence.(B)

I call on the Lord, Who is worthy to be praised, and I am saved from my enemies.

For the waves of death enveloped me; the torrents of destruction made me afraid.

The cords of Sheol were entangling me; I encountered the snares of death.

In my distress I called upon the Lord; I cried to my God, and He heard my voice from His temple; my cry came into His ears.

Then the earth reeled and quaked, the foundations of the heavens trembled and shook because He was angry.

Smoke went up from His nostrils, and devouring fire from His mouth; coals were kindled by it.

10 He bowed the heavens and came down; thick darkness was under His feet.

11 He rode on a cherub and flew; He was seen upon the wings of the wind.

12 He made darkness His canopy around Him, gathering of waters, thick clouds of the skies.

13 Out of the brightness before Him coals of fire flamed forth.

14 The Lord thundered from heaven, and the Most High uttered His voice.

15 He sent out arrows and scattered them; lightning confused and troubled them.

16 The channels of the sea were visible, the foundations of the world were uncovered at the rebuke of the Lord, at the blast of the breath of His nostrils.

17 He sent from above, He took me; He drew me out of great waters.

18 He delivered me from my strong enemy, from those who hated me, for they were too mighty for me.

19 They came upon me in the day of my calamity, but the Lord was my stay.

20 He brought me forth into a large place; He delivered me because He delighted in me.

21 The Lord rewarded me according to my uprightness with Him; He compensated and benefited me according to the cleanness of my hands.

22 For I have kept the ways of the Lord, and have not wickedly departed from my God.

23 For all His ordinances were before me; and from His statutes I did not turn aside.

24 I was also blameless before Him and kept myself from guilt and iniquity.

25 Therefore the Lord has recompensed me according to my righteousness, according to my cleanness in His [holy] sight.

26 Toward the loving and loyal You will show Yourself loving and loyal, and with the upright and blameless You will show Yourself upright and blameless.

27 To the pure You will show Yourself pure, and to the willful You will show Yourself willful.

28 And the afflicted people You will deliver, but Your eyes are upon the haughty, whom You will bring down.

29 For You, O Lord, are my Lamp; the Lord lightens my darkness.

30 For by You I run through a troop; by my God I leap over a wall.

31 As for God, His way is perfect; the word of the Lord is tried. He is a Shield to all those who trust and take refuge in Him.

32 For who is God but the Lord? And who is a Rock except our God?

33 God is my strong Fortress; He guides the blameless in His way and sets him free.

34 He makes my feet like the hinds’ [firm and able]; He sets me secure and confident upon the heights.

35 He trains my hands for war, so that my arms can bend a bow of bronze.

36 You have also given me the shield of Your salvation; and Your condescension and gentleness have made me great.

37 You have enlarged my steps under me, so that my feet have not slipped.

38 I have pursued my enemies and destroyed them; and I did not turn back until they were consumed.

39 I consumed them and thrust them through, so that they did not arise; they fell at my feet.

40 For You girded me with strength for the battle; those who rose up against me You subdued under me.

41 You have made my enemies turn their backs to me, that I might cut off those who hate me.

42 They looked, but there was none to save—even to the Lord, but He did not answer them.

43 Then I beat them small as the dust of the earth; I crushed them as the mire of the street and scattered them abroad.

44 You also have delivered me from strife with my people; You kept me as the head of the nations. People whom I had not known served me.

45 Foreigners yielded feigned obedience to me; as soon as they heard of me, they became obedient to me.

46 Foreigners faded away; they came limping and trembling from their strongholds.

47 The Lord lives; blessed be my Rock, and exalted be God, the Rock of my salvation.

48 It is God Who executes vengeance for me and Who brought down [and disciplined] the peoples under me,

49 Who brought me out from my enemies. You also lifted me up above those who rose up against me; You delivered me from the violent man.

50 For this I will give thanks and extol You, O Lord, among the nations; I will sing praises to Your name.

51 He is a Tower of salvation and great deliverance to His king, and shows loving-kindness to His anointed, to David and his offspring forever.