2 Samuel 18
Magandang Balita Biblia
Napatay si Absalom
18 Tinipon ni David ang lahat ng mga tauhan niya at pinagpangkat-pangkat ang mga ito. Naglagay siya ng mga pinuno sa mga pangkat na tig-iisanlibo at tig-iisandaan. 2 Pinagtatlo niya ang buong hukbo; ang unang pangkat ay pinamunuan ni Joab, ang pangalawa ay pinamunuan ni Abisai at ang ikatlo'y ibinigay naman kay Itai na Geteo. Sinabi ng hari sa kanila, “Sasama ako sa inyo sa labanan.”
3 Ngunit tumutol ang mga tauhan at sinabi nila, “Hindi po kayo dapat sumama sa amin. Kung kami po'y matalo at mapaatras, iyon po'y walang halaga sa mga kaaway—kahit pa mapatay ang kalahati sa bilang namin. Ngunit ang katumbas ninyo'y sampung libong kawal. Kaya't mas mabuti pong doon na kayo sa lunsod, at padalhan na lamang ninyo kami ng tulong.”
4 “Gagawin ko kung ano ang inaakala ninyong pinakamabuti,” sagot ng hari. Tumayo na lang siya sa may pintuan ng lunsod habang papalabas ang kanyang mga kawal na nasa pangkat na libu-libo at daan-daan. 5 Pinagbilinan niya sina Joab, Abisai at Itai, “Alang-alang sa aki'y huwag ninyong sasaktan ang anak kong si Absalom.” Narinig ng buong hukbo ang bilin ng hari sa lahat ng pinuno tungkol kay Absalom.
6 Hinarap ng hukbo ni David ang mga Israelita at naglaban sila sa kagubatan ng Efraim. 7 Natalo ng mga tauhan ni David ang mga Israelita, at dalawampung libong kawal ang napatay nang araw na iyon. 8 Umabot ang labanan hanggang sa mga kabukiran. Nang araw na iyon, mas marami pa ang namatay sa kagubatan kaysa namatay sa tabak.
9 Nakasalubong naman ni Absalom ang ilang kawal ni David. Nakasakay noon sa mola si Absalom, at pagdaan niya sa ilalim ng isang malaking puno ng ensina, napasabit ang ulo niya sa mga sanga. Nagpatuloy sa pagtakbo ang mola at naiwan si Absalom na nakabitin sa puno. 10 Isa sa mga nakakita nito ang nagsabi kay Joab, “Nakita ko si Absalom na nakabitin sa isang puno ng ensina.”
11 Pagkarinig nito'y sinabi ni Joab sa lalaki, “Nakita mo na palang nakabitin, bakit hindi mo pa siya pinatay doon? Nakatanggap ka sana sa akin ng sampung pirasong pilak at isang sinturon.”
12 Sumagot ang lalaki, “Kahit na po gawin ninyong sanlibong pirasong pilak, hindi ko maaaring pagbuhatan ng kamay ang anak ng hari. Narinig po naming lahat ang utos ng hari sa inyo at kina Abisai at Itai na huwag sasaktan ang anak niyang si Absalom alang-alang sa kanya. 13 Kung siya'y pinagbuhatan ko ng kamay at namatay, malalaman din po iyon ng hari at hindi naman kayo ang mananagot sa nangyari.”
14 “Hindi na kita pag-aaksayahan ng panahon,” sabi ni Joab. Kumuha siya ng tatlong sibat at isa-isang itinusok sa dibdib ni Absalom na noo'y buháy pang nakabitin sa puno. 15 Pagkatapos nito'y pumaligid ang sampung tauhan ni Joab kay Absalom at pinatay ito.
16 Hinipan ni Joab ang trumpeta at ang kanyang buong hukbo ay huminto na sa pagtugis sa mga Israelita. 17 Kinuha nila ang bangkay ni Absalom, inihulog sa isang malaking hukay sa kagubatan at tinabunan ng mga bato. Nagsitakas naman at umuwi na ang lahat ng mga Israelita.
18 Noong nabubuhay pa si Absalom, nagpatayo siya ng isang bantayog sa Libis ng Hari. Ginawa niya ito bilang alaala, sapagkat wala siyang anak na lalaking magpapatuloy ng kanyang pangalan. Isinunod niya sa kanyang pangalan ang bantayog na iyon, at hanggang ngayo'y tinatawag iyong Bantayog ni Absalom.
Ibinalita kay David ang Pagkamatay ni Absalom
19 Sinabi ni Ahimaaz na anak ni Zadok, “Hayaan ninyo akong tumakbo upang maibalita ko agad sa hari na siya'y nailigtas na ni Yahweh sa kanyang mga kaaway.”
20 Ngunit sinabi ni Joab, “Huwag mong gagawin iyan sa araw na ito. Ipagpaliban mo na sa ibang araw sapagkat namatay ang anak ng hari.” 21 At inutusan niya ang isang aliping Cusita para ibalita kay David ang nangyari. Nagbigay-galang muna ito kay Joab, bago patakbong umalis.
22 Nagsumamo kay Joab si Ahimaaz: “Anuman po ang mangyari'y pahintulutan ninyong sundan ko ang Cusita.”
“Bakit, anak ko?” tanong ni Joab. “Wala kang mapapala sa pagbabalita mo.”
23 “Kahit po anong mangyari, basta't pahintulutan ninyo ako,” wika niya.
“Sige, tumakbo ka,” wika ni Joab. Tumakbo nga si Ahimaaz at dumaan sa Libis ng Jordan at naunahan pa niya ang aliping Cusita.
24 Nakaupo noon si David sa pagitan ng pintuang panlabas at pintuang panloob ng lunsod. Umakyat naman sa tore ng pader ang isang bantay. Pagtanaw niya'y may nakita siyang isang lalaking tumatakbong palapit. 25 Sumigaw siya sa hari at sinabi ang kanyang nakita. Sabi ng hari, “Kung nag-iisa siya, tiyak na magandang balita ang dala niya.”
26 Samantala, ang bantay sa tore ay may nakita pang isang lalaking tumatakbong papalapit din. Kaya't tinawag niya ang bantay-pinto at sinabi, “Tingnan mo, may isa pang tumatakbo sa hulihan!”
Sinabi ng hari, “Magandang balita rin ang dala niyan.”
27 “Sa tingin ko'y si Ahimaaz na anak ni Zadok ang nauunang dumarating,” sabi ng bantay.
“Mabuting tao 'yan, at magandang balita ang dala niya,” sabi ng hari.
28 Nauna ngang dumating si Ahimaaz. Yumukod siya sa harapan ng hari at sinabi, “Purihin si Yahweh na inyong Diyos, na siyang dumaig sa mga taong naghimagsik laban sa mahal na hari!”
29 “Kumusta ang anak kong si Absalom? Ligtas ba siya?” tanong ng hari.
“Kamahalan, isinugo po ako ng inyong lingkod na si Joab,” sagot ni Ahimaaz, “at noon pong paalis na ako, nagkakagulo sila at hindi ko po alam ang dahilan.”
30 Sinabi sa kanya ng hari, “Tumayo ka muna diyan sa isang tabi,” at ganoon nga ang ginawa ni Ahimaaz.
31 Dumating naman ang Cusita at ganito ang sabi: “Magandang balita, Kamahalan! Ngayong araw na ito'y iniligtas kayo ni Yahweh sa lahat ng naghimagsik laban sa inyo.”
32 “Kumusta ang anak kong si Absalom? Ligtas ba siya?” tanong ng hari.
“Mangyari nawa sa lahat ng inyong mga kaaway at sa lahat ng naghihimagsik laban sa inyo ang nangyari kay Absalom!”
33 Nang marinig ito'y naghinagpis ang hari. Umakyat siya sa isang silid sa itaas ng pintuan ng lunsod at buong pait na tumangis. Habang lumalakad siya'y sinasabi niya, “Anak kong Absalom! Anak ko, anak ko, Absalom! Ako na lang sana ang namatay at hindi ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!”
2 Samuel 18
English Standard Version
Absalom Killed
18 Then David mustered the men who were with him and set over them commanders of thousands and commanders of hundreds. 2 And David sent out the army, one third under the command of Joab, one third under the command of Abishai the son of Zeruiah, Joab's brother, and one third under the command of (A)Ittai the Gittite. And the king said to the men, “I myself will also go out with you.” 3 (B)But the men said, “You shall not go out. For if we flee, they will not care about us. If half of us die, they will not care about us. But you are worth ten thousand of us. Therefore it is better that you send us help from the city.” 4 The king said to them, “Whatever seems best to you I will do.” So the king stood at the side of the gate, while all the army marched out by hundreds and by thousands. 5 And the king ordered Joab and Abishai and Ittai, “Deal gently for my sake with the young man Absalom.” (C)And all the people heard when the king gave orders to all the commanders about Absalom.
6 So the army went out into the field against Israel, and the battle was fought in the (D)forest of Ephraim. 7 And the men of Israel were defeated there by the servants of David, and the loss there was great on that day, twenty thousand men. 8 The battle spread over the face of all the country, and the forest devoured more people that day than the sword.
9 And Absalom happened to meet the servants of David. Absalom was riding on his mule, and the mule went under the thick branches of a great oak,[a] (E)and his head caught fast in the oak, and he was suspended between heaven and earth, while the mule that was under him went on. 10 And a certain man saw it and told Joab, “Behold, I saw Absalom hanging in an oak.” 11 Joab said to the man who told him, “What, you saw him! Why then did you not strike him there to the ground? I would have been glad to give you ten pieces of silver and a belt.” 12 But the man said to Joab, “Even if I felt in my hand the weight of a thousand pieces of silver, I would not reach out my hand against the king's son, for (F)in our hearing the king commanded you and Abishai and Ittai, ‘For my sake protect the young man Absalom.’ 13 On the other hand, if I had dealt treacherously against his life[b] (and there is nothing hidden from the king), then you yourself would have stood aloof.” 14 Joab said, “I will not waste time like this with you.” And he took three javelins in his hand and thrust them into the heart of Absalom while he was still alive in the oak. 15 And ten young men, Joab's armor-bearers, surrounded Absalom and struck him and killed him.
16 Then Joab blew the trumpet, and the troops came back from pursuing Israel, for Joab restrained them. 17 And they took Absalom and threw him into a great pit in the forest and raised over him (G)a very great heap of stones. And all Israel (H)fled every one to his own home. 18 Now Absalom in his lifetime had taken and set up for himself (I)the pillar that is in (J)the King's Valley, for he said, (K)“I have no son to keep my name in remembrance.” He called the pillar after his own name, and it is called Absalom's monument[c] to this day.
David Hears of Absalom's Death
19 Then Ahimaaz the son of Zadok said, (L)“Let me run and carry news to the king that (M)the Lord has delivered him from the hand of his enemies.” 20 And Joab said to him, “You are not to carry news today. You may carry news another day, but today you shall carry no news, because the king's son is dead.” 21 Then Joab said to the Cushite, “Go, tell the king what you have seen.” The Cushite bowed before Joab, and ran. 22 Then Ahimaaz the son of Zadok said again to Joab, “Come what may, let me also run after the Cushite.” And Joab said, “Why will you run, my son, seeing that you will have no reward for the news?” 23 “Come what may,” he said, “I will run.” So he said to him, “Run.” Then Ahimaaz ran by the way of (N)the plain, and outran the Cushite.
24 Now David (O)was sitting between the two gates, and (P)the watchman went up to the roof of the gate by the wall, and when he lifted up his eyes and looked, he saw a man running alone. 25 The watchman called out and told the king. And the king said, “If he is alone, there is news in his mouth.” And he drew nearer and nearer. 26 The watchman saw another man running. And the watchman called to the gate and said, “See, another man running alone!” The king said, “He also brings news.” 27 The watchman said, “I think the running of the first is (Q)like the running of Ahimaaz the son of Zadok.” And the king said, (R)“He is a good man and comes with good news.”
28 Then Ahimaaz cried out to the king, “All is well.” And he bowed before the king with his face to the earth and said, (S)“Blessed be the Lord your God, who has delivered up the men who raised their hand against my lord the king.” 29 And the king said, (T)“Is it well with the young man Absalom?” Ahimaaz answered, “When Joab sent the king's servant, your servant, I saw a great commotion, but I do not know what it was.” 30 And the king said, “Turn aside and stand here.” So he turned aside and stood still.
David's Grief
31 And behold, the Cushite came, and the Cushite said, “Good news for my lord the king! For (U)the Lord has delivered you this day from the hand of all who rose up against you.” 32 The king said to the Cushite, (V)“Is it well with the young man Absalom?” And the Cushite answered, (W)“May the enemies of my lord the king and all who rise up against you for evil be like that young man.” 33 [d] And the king was deeply moved and went up (X)to the chamber over the gate and wept. And as he went, he said, (Y)“O my son Absalom, my son, my son Absalom! Would I had died instead of you, O Absalom, my son, my son!”
Footnotes
- 2 Samuel 18:9 Or terebinth; also verses 10, 14
- 2 Samuel 18:13 Or at the risk of my life
- 2 Samuel 18:18 Or Absalom's hand
- 2 Samuel 18:33 Ch 19:1 in Hebrew
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
The ESV® Bible (The Holy Bible, English Standard Version®), © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers. ESV Text Edition: 2025.