Add parallel Print Page Options

20 Hindi ka pa nagtatagal dito, at hindi ka dapat sumama sa aming paglalagalag. Hindi ko alam kung saan ito hahantong. Isama mo ang iyong mga kababayan at bumalik na kayo. Nawa'y si Yahweh ang maging matatag at tapat mong kaibigan.”

21 Ngunit sinabi ni Itai, “Kamahalan, hangga't si Yahweh at ang hari ay nabubuhay,[a] sasama kami sa inyo saan man kayo pumaroon kahit ito'y aming ikamatay.”

22 Sinabi ni David, “Mabuti! Kung gayon, magpatuloy ka.”

Nagpatuloy nga siya, kasama ang mga tauhan at ang kanilang mga pamilya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Samuel 15:21 hangga't si Yahweh…nabubuhay: o kaya'y saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy, at hanggang buháy ang hari .