Add parallel Print Page Options

32 Ngunit si Jonadab, ang pamangkin ni David kay Simea, ay lumapit sa hari. Sinabi niya, “Huwag po kayong maniwala na pinatay ang lahat ninyong anak na lalaki. Si Amnon po lang ang pinatay! Siya po lamang ang pinag-initan ni Absalom mula nang pagsamantalahan niya si Tamar. 33 Kaya, huwag po kayong maniwala sa balitang iyon; talaga pong si Amnon lamang ang pinatay.”

34 Samantala, si Absalom ay tumakas matapos ipapatay si Amnon.

Ang bantay sa palasyo'y may natanaw na pulutong ng mga taong bumababa sa burol, sa gawi ng Horonaim.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 34 Horonaim: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Kaya ang bantay ay nagpunta sa hari at ipinaalam ang kanyang nakita .