2 Samuel 11:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At nangyari sa kinahapunan, na si David ay bumangon sa kaniyang higaan, at lumakad sa (A)bubungan ng bahay ng hari: at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo; at ang babae ay totoong napakagandang masdan.
3 At nagsugo si David, at nagpasiyasat tungkol sa babae. At sinabi ng isa, Hindi ba ito ay si (B)Bath-sheba na anak ni Eliam, na asawa ni Uria na Hetheo?
4 At si David ay nagsugo ng mga sugo, at kinuha siya; at siya'y pumaroon sa kaniya, at (C)kaniyang sinipingan siya (sapagka't siya'y malinis sa kaniyang karumihan;) at siya'y bumalik sa kaniyang bahay.
Read full chapter
2 Samuel 11:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Isang dapit-hapon, nang si David ay bumangon sa kanyang higaan at naglalakad sa bubungan ng bahay ng hari, nakakita siya mula sa bubungan ng isang babaing naliligo; at ang babae ay napakaganda.
3 Nagsugo si David at nagtanong tungkol sa babae. At sinabi ng isa, “Hindi ba ito ay si Batseba na anak ni Eliam, na asawa ni Urias na Heteo?”
4 Kaya't si David ay nagpadala ng mga sugo at kinuha siya. Ang babae ay pumaroon sa kanya at siya'y kanyang sinipingan. (Siya ay katatapos pa lamang maglinis mula sa kanyang karumihan.) Pagkatapos, siya'y bumalik sa kanyang bahay.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978