Add parallel Print Page Options

14 Ang mga mata nila'y punung-puno ng pangangalunya at walang kabusugan sa pagkakasala. Inaakit pa nila na magkasala ang mga mahihina. Sanay na sanay ang kanilang puso sa kasakiman. Mga anak na isinumpa! 15 Iniwan (A) nila ang daang matuwid at sila'y naligaw. Sinundan nila ang daan ng anak ni Beor[a] na si Balaam na umibig sa bayad ng masama. 16 Ngunit siya'y sinaway ng isang asno sa kanyang kamalian, isang hayop na hindi makapagsalita, ngunit nagsalita na parang tao upang siya'y pigilan sa kanyang kahibangan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Pedro 2:15 Sa Griyego, Buzor.