Font Size
2 Macabeo 15:35-37
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Macabeo 15:35-37
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
35 Kinuha ni Judas ang ulo ni Nicanor at ibinitin sa pader ng kuta bilang katibayan ng tulong na ibinigay ng Panginoon. 36 Nagkaisa(A) ang lahat na aalalahanin nila ang araw na ito at ipagdiriwang tuwing ika-13 araw ng ika-12 buwan ng taon na tinatawag na buwan ng Adar sa wikang Aramaico, at ang araw na ito ay bisperas ng Araw ni Mordecai.
Pagwawakas
37 Ang kasaysayan ni Nicanor ay nagwakas sa ganitong paraan. Mula noo'y nanatili sa kamay ng mga Judio ang lunsod, kaya't dito ko na rin tatapusin ang aking pagsasalaysay.
Read full chapter