Font Size
2 Macabeo 14:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Macabeo 14:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34 Pagkasabi nito, siya'y umalis. Nabahala ang mga pari, kaya't nanalangin silang lahat na nakataas ang kamay sa di-nagmamaliw na Tagapagtanggol ng kanilang bansa, 35 “Panginoon ng lahat, alam naming di ka nangangailangan ng anuman; gayon pa man, sumang-ayon kang magtayo kami ng Templong iyong matitirhan sa gitna namin. 36 Dahil dito, O Kabanal-banalan, ingatan mong walang dungis ang tahanang ito na hindi pa natatagalang nalilinis!”
Read full chapter