2 Juan 5-7
Ang Dating Biblia (1905)
5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.
6 At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
Read full chapter
2 Juan 5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 At ngayon, ginang, ako'y humihiling sa iyo; hindi tulad ng isang bagong utos ang isinusulat ko sa iyo, kundi iyon ding tinanggap natin mula nang simula, na ibigin natin ang isa't isa. 6 At ito ang pag-ibig: tayo'y mamuhay ayon sa kanyang mga utos. At ito ang utos, tulad ng inyong narinig mula pa noong una: mamuhay tayo ayon dito. 7 Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. Hindi nila kinikilala na dumating si Jesu-Cristo bilang tao. Ang mga ito ang mandaraya at ang anti-Cristo!
Read full chapter
2 Juan 5-7
Ang Biblia (1978)
5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, (A)na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.
6 (B)At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay (C)ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at (D)ang anticristo.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
