Add parallel Print Page Options

Ipinasunog(A) niya ang mga kalansay ng mga paring pagano sa ibabaw ng kanilang mga dambana. Sa ganoong paraan, nilinis ni Josias ang Jerusalem at ang buong Juda. Ganoon din ang ginawa niya sa mga lunsod ng Manases, Efraim at Simeon at sa mga nawasak na nayon sa paligid ng Neftali. Matapos niyang gawin ang lahat ng ito sa buong Israel, bumalik na siya sa Jerusalem.

Read full chapter
'2 Paralipomeno 34:5-7' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

(A)At sinunog niya ang mga buto ng mga saserdote sa kanilang mga dambana, at nilinis ang Juda at ang Jerusalem.

At gayon ang ginawa niya sa mga bayan ng (B)Manases at Ephraim at Simeon, hanggang sa Nephtali, sa kanilang mga guho sa palibot.

At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera (C)at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem.

Read full chapter