Add parallel Print Page Options

10 Pero ngayon, desidido akong gumawa ng kasunduan sa Panginoon, ang Dios ng Israel, para mawala ang matindi niyang galit sa atin. 11 Kaya mga minamahal,[a] huwag na kayong magpabaya. Kayo ang pinili ng Panginoon para tumayo sa kanyang presensya, at para maglingkod at maghandog.”[b]

12 Kaya nagsimula sa paggawa ang mga Levita:

Sa pamilya ni Kohat: sina Mahat na anak ni Amasai at Joel na anak ni Azaria.

Sa pamilya ni Merari: sina Kish na anak ni Abdi at Azaria na anak ni Jehalelel.

Sa pamilya ni Gershon: sina Joa na anak ni Zima at Eden na anak ni Joa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 29:11 mga minamahal: sa literal, mga anak.
  2. 29:11 maghandog: o, magsunog ng insenso.