2 Cronica 26:16-18
Ang Biblia (1978)
Si Uzzias ay naging ketongin dahil sa pagsusunog ng kamangyan.
16 Nguni't (A)nang siya'y lumakas, ang (B)kaniyang puso ay nagmataas, na anopa't siya'y gumawa ng kapahamakan, at siya'y sumalangsang laban sa Panginoon niyang Dios; sapagka't siya'y pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng kamangyan sa ibabaw ng dambana ng kamangyan.
17 At si Azarias na saserdote ay (C)pumasok pagkatapos niya, at kasama niya'y walong pung saserdote ng Panginoon, na mga matapang na lalake:
18 At kanilang hinadlangan si Uzzias na hari, at nagsipagsabi sa kaniya, (D)Hindi nauukol sa iyo, Uzzias, na magsunog ng kamangyan sa Panginoon, kundi sa (E)mga saserdote na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga na magsunog ng kamangyan: lumabas ka sa santuario; sapagka't ikaw ay sumalangsang; ni di magiging karangalan sa iyo sa ganang Panginoong Dios.
Read full chapter
2 Cronica 26:16-18
Ang Biblia, 2001
Si Uzias ay Pinarusahan Dahil sa Kanyang Kapalaluan
16 Ngunit nang siya'y lumakas, siya'y naging palalo na siya niyang ikinapahamak. Sapagkat kanyang nilapastangan ang Panginoon niyang Diyos, at pumasok sa templo ng Panginoon upang magsunog ng insenso sa ibabaw ng dambana ng insenso.
17 Ngunit si Azarias na pari ay pumasok kasunod niya, na may kasamang walumpung pari ng Panginoon na matatapang na lalaki.
18 Kanilang(A) hinadlangan si Haring Uzias, at sinabi sa kanya, “Hindi para sa iyo, Uzias, ang magsunog ng insenso sa Panginoon, kundi para sa mga pari na mga anak ni Aaron, na mga itinalaga upang magsunog ng insenso. Lumabas ka sa santuwaryo sapagkat mali ang iyong ginawa, at hindi ito magbibigay sa iyo ng karangalan mula sa Panginoong Diyos.”
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
