Add parallel Print Page Options

Si Joas ay naghari.

24 Si Joas ay may pitong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y (A)nagharing apat na pung taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Sibia na taga Beer-seba.

At gumawa si Joas ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon (B)lahat ng mga kaarawan ni Joiada na saserdote.

At kumuha si Joiada ng dalawang babae upang maging asawa ng hari, at siya'y nagkaanak ng mga lalake at mga babae.

At nangyari, pagkatapos nito, na inisip ni Joas na husayin ang bahay ng Panginoon.

At kaniyang pinisan ang mga saserdote at ang mga Levita, at sinabi sa kanila, Magsilabas kayo hanggang sa mga bayan ng Juda, at magtipon kayo sa buong Israel ng salapi upang husayin ang bahay ng inyong Dios sa taontaon, at sikapin ninyo na inyong madaliin ang bagay. (C)Gayon ma'y hindi minadali ng mga Levita.

At ipinatawag ng hari si Joiada na pinuno, at sinabi sa kaniya, Bakit hindi mo ipinadala sa mga Levita ang buwis (D)na iniutos ni Moises, na lingkod ng Panginoon, at ng kapisanan ng Israel, mula sa Juda, at mula sa Jerusalem, na ukol sa (E)tabernakulo ng patotoo?

Sapagka't giniba ng mga anak ni Athalia, niyaong masamang babae, ang bahay ng Dios, at kanila namang ginugol sa mga Baal ang lahat na itinalagang bagay sa bahay ng Panginoon.

Ipinaigi ni Joas ang templo.

(F)Sa gayo'y nagutos ang hari, at sila'y nagsigawa ng isang kaban, at inilagay sa labas sa pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.

At sila'y nangagtanyag sa Juda at sa Jerusalem, na dalhin sa Panginoon (G)ang buwis na iniatang ni Moises na lingkod ng Dios sa Israel sa ilang.

10 At ang lahat na prinsipe at ang buong bayan ay nagalak, at dinala, at inilagay sa kaban, hanggang sa natapos.

11 At nagkagayon, nang dalhin ang kaban sa kawanihan ng hari, sa pamamagitan ng kamay ng mga Levita, at nang kanilang makita na maraming salapi, na ang kalihim ng hari at ang pinuno ng pangulong saserdote ay naparoon at inalisan ng laman ang kaban, at kinuha, at dinala uli sa dakong kinaroroonan. Ganito ang kanilang ginawa araw-araw, at nagtipon ng salapi na sagana.

12 At ibinigay ng hari at ni Joiada sa gumagawa ng gawaing paglilingkod sa bahay ng Panginoon; at sila'y nagsiupa ng mga kantero at ng mga anluwagi upang husayin ang bahay ng Panginoon, at ng nagsisigawa naman sa bakal at tanso upang husayin ang bahay ng Panginoon.

13 Sa gayo'y nagsigawa ang mga manggagawa, at ang gawa ay nayari sa pamamagitan nila, at kanilang itinayo ang bahay ng Dios sa kaniyang kalagayan, at pinatibay.

14 At nang kanilang matapos, kanilang dinala ang labis ng salapi sa harap ng hari at ni Joiada, (H)na siyang mga ipinagpagawa ng mga sisidlan sa bahay ng Panginoon, sa makatuwid baga'y mga sisidlan upang ipangasiwa, at upang ipaghandog ng hain, at mga sandok, at mga sisidlang ginto, at pilak. At sila'y nangaghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa bahay ng Panginoon sa (I)lahat ng mga kaarawan ni Joiada.

15 Nguni't si Joiada ay tumanda at napuspos ng mga araw, at siya'y namatay; siya'y may isang daan at tatlongpung taon nang siya'y mamatay.

16 At inilibing nila siya sa bayan ni David sa kasamahan ng mga hari, sapagka't siya'y gumawa ng mabuti sa Israel, at sa Dios at sa kaniyang sangbahayan.

17 Pagkamatay nga ni Joiada ay nagsiparoon ang mga prinsipe ng Juda, at nangagbigay galang sa hari. Nang magkagayo'y dininig sila ng hari.

18 At kanilang pinabayaan ang bahay ng Panginoon, ng Dios ng kanilang mga magulang, at nangaglingkod (J)sa mga Asera at sa mga dios-diosan: at (K)ang pagiinit ay dumating sa Juda at sa Jerusalem dahil sa kanilang salang ito.

19 Gayon ma'y (L)nagsugo siya ng mga propeta sa kanila upang dalhin sila uli sa Panginoon; at sila'y (M)sumaksi laban sa kanila; nguni't hindi sila pinakinggan.

Pinagsalitaan siya ni Zacharias.

20 At ang Espiritu ng Dios ay dumating kay Zacharias na anak ni Joiada na saserdote; at siya'y tumayong mataas kay sa bayan, at nagsabi sa kanila, Ganito ang sabi ng Dios, Bakit kayo'y nagsisisalangsang sa mga utos ng Panginoon, na anopa't kayo'y huwag magsiginhawa? sapagka't inyong pinabayaan ang Panginoon, kaniya namang pinabayaan kayo.

21 At sila'y nagsipagbanta laban sa kaniya, at (N)binato siya ng mga bato, sa utos ng hari (O)sa looban ng bahay ng Panginoon.

22 Sa ganito ay hindi inalaala ni Joas na hari ang kagandahang loob na ginawa ni Joiada na kaniyang ama sa kaniya, kundi pinatay ang kaniyang anak. At nang siya'y mamatay, kaniyang sinabi, Masdan ng Panginoon, at pakialaman.

23 At nangyari, sa katapusan ng taon, na ang hukbo ng mga taga Siria ay umahon laban sa kaniya: at sila'y nagsiparoon sa Juda at sa Jerusalem, at nilipol ang lahat na (P)prinsipe ng bayan mula sa gitna ng bayan, at ipinadala ang buong samsam sa kanila sa hari sa Damasco.

24 Sapagka't ang hukbo (Q)ng mga taga Siria ay naparoong may munting pangkat ng mga lalake; at ibinigay ng Panginoon ang isang totoong malaking hukbo sa kanilang kamay sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang. Sa gayo'y nilapatan nila ng kahatulan (R)si Joas.

25 At nang kanilang lisanin siya, (sapagka't iniwan nila siya sa maraming mga sakit,) (S)ang kaniyang sariling mga lingkod ay nagsipagbanta laban sa kaniya dahil sa dugo ng mga (T)anak ni Joiada na saserdote, at pinatay siya sa kaniyang higaan, at siya'y namatay: at inilibing nila siya sa bayan ni David, (U)nguni't hindi inilibing nila siya sa mga libingan ng mga hari.

26 At ang mga ito ang nagsipagbanta laban sa kaniya; si (V)Zabad na anak ni Simath, na Ammonita, at si Jozabad na anak ni Simrith, na Moabita.

27 Tungkol nga sa kaniyang mga anak, at sa kalakhan ng mga pasang ipinasan sa kaniya, at sa pagtatayong muli ng bahay ng Dios, narito, nakasulat sa (W)kasaysayan ng aklat ng mga hari. At si Amasias na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

Joash Repairs the Temple(A)(B)

24 Joash was seven years old when he became king, and he reigned in Jerusalem forty years. His mother’s name was Zibiah; she was from Beersheba. Joash did what was right in the eyes of the Lord(C) all the years of Jehoiada the priest. Jehoiada chose two wives for him, and he had sons and daughters.

Some time later Joash decided to restore the temple of the Lord. He called together the priests and Levites and said to them, “Go to the towns of Judah and collect the money(D) due annually from all Israel,(E) to repair the temple of your God. Do it now.” But the Levites(F) did not act at once.

Therefore the king summoned Jehoiada the chief priest and said to him, “Why haven’t you required the Levites to bring in from Judah and Jerusalem the tax imposed by Moses the servant of the Lord and by the assembly of Israel for the tent of the covenant law?”(G)

Now the sons of that wicked woman Athaliah had broken into the temple of God and had used even its sacred objects for the Baals.

At the king’s command, a chest was made and placed outside, at the gate of the temple of the Lord. A proclamation was then issued in Judah and Jerusalem that they should bring to the Lord the tax that Moses the servant of God had required of Israel in the wilderness. 10 All the officials and all the people brought their contributions gladly,(H) dropping them into the chest until it was full. 11 Whenever the chest was brought in by the Levites to the king’s officials and they saw that there was a large amount of money, the royal secretary and the officer of the chief priest would come and empty the chest and carry it back to its place. They did this regularly and collected a great amount of money. 12 The king and Jehoiada gave it to those who carried out the work required for the temple of the Lord. They hired(I) masons and carpenters to restore the Lord’s temple, and also workers in iron and bronze to repair the temple.

13 The men in charge of the work were diligent, and the repairs progressed under them. They rebuilt the temple of God according to its original design and reinforced it. 14 When they had finished, they brought the rest of the money to the king and Jehoiada, and with it were made articles for the Lord’s temple: articles for the service and for the burnt offerings, and also dishes and other objects of gold and silver. As long as Jehoiada lived, burnt offerings were presented continually in the temple of the Lord.

15 Now Jehoiada was old and full of years, and he died at the age of a hundred and thirty. 16 He was buried with the kings in the City of David, because of the good he had done in Israel for God and his temple.

The Wickedness of Joash

17 After the death of Jehoiada, the officials of Judah came and paid homage to the king, and he listened to them. 18 They abandoned(J) the temple of the Lord, the God of their ancestors, and worshiped Asherah poles and idols.(K) Because of their guilt, God’s anger(L) came on Judah and Jerusalem. 19 Although the Lord sent prophets to the people to bring them back to him, and though they testified against them, they would not listen.(M)

20 Then the Spirit(N) of God came on Zechariah(O) son of Jehoiada the priest. He stood before the people and said, “This is what God says: ‘Why do you disobey the Lord’s commands? You will not prosper.(P) Because you have forsaken the Lord, he has forsaken(Q) you.’”

21 But they plotted against him, and by order of the king they stoned(R) him to death(S) in the courtyard of the Lord’s temple.(T) 22 King Joash did not remember the kindness Zechariah’s father Jehoiada had shown him but killed his son, who said as he lay dying, “May the Lord see this and call you to account.”(U)

23 At the turn of the year,[a] the army of Aram marched against Joash; it invaded Judah and Jerusalem and killed all the leaders of the people.(V) They sent all the plunder to their king in Damascus. 24 Although the Aramean army had come with only a few men,(W) the Lord delivered into their hands a much larger army.(X) Because Judah had forsaken the Lord, the God of their ancestors, judgment was executed on Joash. 25 When the Arameans withdrew, they left Joash severely wounded. His officials conspired against him for murdering the son of Jehoiada the priest, and they killed him in his bed. So he died and was buried(Y) in the City of David, but not in the tombs of the kings.

26 Those who conspired against him were Zabad,[b] son of Shimeath an Ammonite woman, and Jehozabad, son of Shimrith[c](Z) a Moabite woman.(AA) 27 The account of his sons, the many prophecies about him, and the record of the restoration of the temple of God are written in the annotations on the book of the kings. And Amaziah his son succeeded him as king.

Footnotes

  1. 2 Chronicles 24:23 Probably in the spring
  2. 2 Chronicles 24:26 A variant of Jozabad
  3. 2 Chronicles 24:26 A variant of Shomer